Pumunta sa nilalaman

Ama

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Tatay)
Ama

Ang ama (Ingles: father)[1] ay ang lalaking magulang ng anumang uri ng anak o supling.[2] Karamihan sa mga hayop, kabilang ang mga tao, ang ipinanganak mula sa isang ina at sa isang ama dahil sa kanilang pag-ibig at pagtatalik. Ang ina ang nagdadalangtao at nagluluwal ng sanggol. Tinatawag na ama sa batas o biyenang lalaki ang ama ng asawa ng isang tao.

Sa ilang mga kultura, nangangahulugang "pinuno" ang ama. Paminsan-minsang tinataguriang mga Ama ang mga tagapagtatag ng isang bansa, gayundin ang mga manlilikha ng isang larangan o kaya mga imbentor.

Sa ilang mga relihiyon, katulad ng Hudaismo o Kristiyanismo, tinatawag ang Diyos bilang Ama. Sa paniniwalang Kristiyano, may tatlong mga persona o katauhan ang Diyos: ang Ama, ang Anak, at ang Espiritu Santo. Ginagamit din ang padre[1] (mula sa wikang Kastila na may ibig sabihing "ama") bilang pamagat o katawagan para sa mga paring Katoliko.

Katumbas ng ama ang tatay, tatang, itay, itang, at papa.[1]

Tinatawag na ama sa turing ang isang ama-amahan o hindi tunay na ama, kinikilalang ama bagaman pangalawa o naging tinuturing na "ama" dahil sa muling pag-aasawa ng tunay na ina. Isa sa halimbawa ng ama sa turing si San Jose, ang ama-amahan ng anak ni Mariang si Hesus.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Gaboy, Luciano L. Father - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "WordNet". Nakuha noong 2007-12-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  3. Abriol, Jose C. (2000). "Ama sa turing". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), paliwanag na kasama ng ukol sa mga kapatid at Anak ni Maria}}, talababa bilang 3, pahina 1489.

Tao Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.