Pumunta sa nilalaman

Kalayaan sa pananalita

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Freedom of speech)
Si Eleanor Roosevelt at ang Unibersal na Deklarasyon ng Karapatang Pantao (1949). Sinasaad sa Artikulo 19 na "Ang bawat tao'y may karapatan sa kalayaan ng pagkukuro at pagpapahayag; kasama ng karapatang ito ang kalayaan at kuru-kuro nang walang panghihimasok at humanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon at kaisipan sa pamamagitan ng alin mang paraan ng pagkakalat at walang pagsasaalang-alang ng mga hanggahan."
Isang lalaking nagpapahayag ng kaniyang mga pananaw sa Speaker's Corner sa London

Ang kalayaan sa pananalitâ ay ang karapatang magsalitâ o magbatíd ng kuro-kurò o pananáw nang hindî nangangambang gagantíhan o isesensura ng pamahalaan. Kalimitang napagpapalit ang taguring kalayaan ng pagpapahayag sa kalayaan ng pananalita, ngunit ang una'y may kalakip na pagbabatíd ng impormasyon o ideya gamit ang alinmang midyum.

Hinihigpitan ng mga pamahalaan ang pananalitâ sa iba't ibang paraán. Ang mga karaniwang limitasyon kaugnay sa pananalitâ ay libelo, paninirang-puri, kalaswaan, pornograpiya, sedisyon, panunulsol, mga palaban na salita, klasipikadong impormasyon, paglabag sa karapatang-sipi, mga lihim sa kalakalan, kasunduang di-pagsisiwalat, karapatan sa pribasiya, karapatang makalimutan, political correctness, kaayusang pampubliko, pampublikong seguridad, panggugulo, perjury, at pang-aapi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]