From Up on Poppy Hill

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search


Kokurikozaka kara
Kokurikozaka kara film poster.jpg
Paanyayang poster ng Kokurikozaka kara sa Hapon
Direksiyon Gorō Miyazaki
Produksiyon Toshio Suzuki
Tetsuro Sayama
Isinulat ni Hayao Miyazaki, Keiko Niwa, Tetsuo Sayama (manga), Chizuru Takahashi (manga)
Musika Satoshi Takebe
Estudyo Studio Ghibli
Petsa ng
pagpapalabas
Hulyo 16, 2011 (2011-07-16) (Japan)
Bansa Hapon
Wika Hapones

Ang Kokurikozaka kara (コクリコ坂から) ay isang Hapones na pelikulang anime na inilabas ng isang Hapones na bahay animasyon na Studio Ghibli noong 2011, at kinuha sa manga ng kaparehang pangalan ni Tetsuo Sayama at Chizuru Takahashi.[1]

Nakatakdang ipalabas ang pelikula sa 16 Hulyo 2011 sa Hapon at ito ang ikalawang pelikulang pinangunahan ng anak ni Hayao Miyazaki na si Gorō Miyazaki. Inanunsiyo ang mga pangunahing aktor sa pamboses sa mga pangunahing tauhan noong 12 Mayo 2011.[2] Ipapalabas naman ni Toshio Suzuki ang Kokurikozaka kara, na kung saan ay ipapamahagi sa lokal na merkado ng Toho.[3]

Si Aoi Teshima, na siyang kumanta ng temang musika para sa pelikula na Tales from Earthsea, ang kakanta ng temang musika para sa pelikulang ito.[3]

Tauhan[baguhin | baguhin ang batayan]

Komatsuzaki Umi

Binigyan ng boses ni: Nagasawa Masami [4]
Ang anak na babae ng pamilya na nagpapatakbo ng lumang bahay.

Kazama Shun

Binigyan ng boses ni: Okada Junichi [4]
Isang miyembro ng pampaaralang dyaryo na kung saan ay may interes si Umi.

Mizunuma

Pangulo ng konsehong pangestudyante.

Talababa[baguhin | baguhin ang batayan]

Tignan Din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga kawing panlabas[baguhin | baguhin ang batayan]