Pumunta sa nilalaman

Gabing dinggalan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang gabing dinggalan ay isang uri ng natatanging gabi sa Pilipinas na pinaniwalaang nagmula sa bayan ng Dinggalan, Aurora. Ang halamang ito ay mapulang paklang o tangkay at abohing dahon. Ito ay nangangailangan ng 6 hanggang 12 buwan ng lawig ng panahon ng pagkakatanim sa lupa bago kuhanin o anihin. Ang halamang ito ay sa katihan itinatanim at higit na masarap kaysa pangkaraniwang gabi. Isahan lang ito maglaman at maaring ipalit sa patatas sa mga lutuing sinigang na karne o laman, ang mala ubeng laman nito ay maligat at masarap ding gataan kasama ng isda. Ang gabing ito ay mas mainam gamitin sa pang-eksport na delata na gabi kaysa ligaw na uri ng gabi na ginagamit nila. Mayroon nito sa mga pulo sa Kabisayaan at sa bulubundukin ng Quezon at Rizal.

HalamanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Halaman at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.