Galema
Galema | |
---|---|
Impormasyon ng paglalathala | |
Unang paglabas | Aliwan Komiks (1976) |
Tagapaglikha | Jim Fernandez |
Impormasyon sa loob ng kwento | |
Ibang katauhan | Galema Castillo |
Espesye | Bahagiang diyosa |
Lugar ng pinagmulan | Pilipinas |
Kasaping pangkat | Zuma (ama), Dino (kapatid)[1] |
Kakayahan | May dalawang-ulong ahas sa balikat na nagtataglay ng kapangyarihan at lason. Kapangyarihan ng isang anak ng bahagiang diyos kabilang ang higit-sa-taong lakas. |
Si Galema ay isang kathang-isip na karakter mula sa komiks na nilikha ni Jim Fernandez.[1] Unang lumabas siya sa mga serye ng kuwento na pinamagatang "Anak ni Zuma" na tumakbo mula 1976 hanggang 1984 sa Aliwan Komiks at tinatampukan ng isa pang karakter na nilikha ni Fernandez na si Zuma.[2][3] Si Galema na anak ni Zuma sa isang baliw na babae ay halos mukhang tao kumpara sa kanyang ama ngunit mayroon din siyang dalawang-ulong ahas sa kanyang balikat tulad ng kanyang ama. Ang kanyang mga ahas ay nagtataglay ng kapangyarihan at lason na kayang lasunin maski ang kanyang amang si Zuma.[4]
Sa ibang midya, lumabas ang karakter ni Galema sa pelikulang Zuma noong 1985 na ginampanan ni Snooky Serna.[2] Ginampanan naman ni Jenny Lyn ang papel na Galema sa karugtong na pelikula noong 1987 na Anak ni Zuma.[2] Noong 2013, ginampanan naman ni Andi Eigenmann ang titulong karakter sa seryeng pantelebisyon na Galema: Anak ni Zuma ng ABS-CBN.[5] Sa palabas na ito, ang buong pangalan ng karakter ay Galema Castillo.[6]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 Panganiban, Aris B. (2010-12-24). "Pinoy Superheroes Universe: How ZUMA Saved Christmas". Pinoy Superheroes Universe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 Panganiban, Aris B. (2011-06-19). "Pinoy Superheroes Universe: Happy Father's Day, ZUMA - Love, GALEMA". Pinoy Superheroes Universe (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ABS-CBN will soon air Galema, Anak ni Zuma". PEP.ph (sa wikang Ingles). 2009-04-01. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-03-26. Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Zuma". www.internationalhero.co.uk (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Rappler.com (2013-09-11). "Andi Eigenmann a snake woman in new 'serye'". Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Santos, Rhea Manila (2014-01-14). "Which Kapamilya teleserye princess are you? | PUSH.COM.PH: Your ultimate showbiz hub!". push.abs-cbn.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2019-06-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)