Pumunta sa nilalaman

Gapong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Amputasyon
An amputee, seen here running with a blade prosthetic.
EspesyalidadSurgery

Physical medicine and rehabilitation

Emergency medicine

Ang paggapong (mula sa salitang ugat na gapong) o amputasyon ay ang paghihiwalay ng anumang bahagi o sangkap ng katawan mula sa katawan.[1][2] Sa mas tiyak na kahulugan, ito ay ang pagtatanggal ng isang sanga ng katawan (katulad ng kamay, paa, binti, hita, o bisig) mula sa katawan sa pamamagitan ng traumang pangkatawan, pinatagal na pag-ipit (konstriksiyon), o pagtitistis (siruhiya). Bilang isang lunas na pangpagtitistis, ginagamit ito upang kontrolin ang hapdi o isang proseso ng karamdaman na nasa apektadong sanga, katulad ng kanser (malignansiya) o kanggrena. Sa ilang mga pagkakataon, isinasagawa ito sa mga indibidwal bilang isang siruhiyang pang-iwas (prebentatibo ) para sa ganitong mga suliranin. Ang isang natatanging kaso ay ang amputasyong konhenital, isang diperensiyang konhenital, kung saan ng mga sanga ng namumuong sanggol ay ginugupit sa pamamagitan ng mga pang-ipit. Sa ilang mga bansa, ang pagputol ng mga kamay, mga paa, o iba pang mga bahagi ng katawan ay ginagamit o dating ginagamit bilang isang uri ng parusa para sa mga taong nakagawa ng krimen. Ang pagtitistis ay ginagamit din bilang isang taktika ng digmaan at mga gawain ng terorismo; maaari rin itong mangyari bilang isang pinsalang dulot ng digmaan. Sa ilang mga kalinangan at mga relihiyon, ang mga paggapong na hindi malakihan o mga mutilasyon ay itinuturing bilang isang pagkakamit na pangritwal. Hindi katulad ng ilang mga hayop na hindi mamalya (katulad ng mga butiki na naghuhulas ng kanilang mga buntot, ang mga salamandro ay muling nakapagpapatubo ng maraming nawawalang mga bahagi ng katawan; pati na mga hydra, mga bulating sapad (flatworm), at mga isdambituin na muling nakapagpapatubo ng buong katawan magmula sa maliliit na mga pragmento o mga piraso), ang mga sanga ng katawan ng tao, kapag natanggal na, ay hindi na muling tumutubo, hindi katulad ng ilang porsiyon o bahagi ng piraso ng ilang mga organo, katulad ng atay. Ang transplantasyon ng organo o isang prostisis lamang ang natitirang opsiyon upang mapalitan ang nawalang sanga ng katawan.

Ang amputasyong traumatiko o paggapong dahil sa trauma ay isang bahagi o buong pagkatanggal o pagkaputol ng isang bahagi katawan na dulot ng isang seryosong sakuna o sakuna, katulad ng may kaugnayan sa trapiko, gawain o trabaho, o pakikipagdigma.[3][4],.[5]Ang traumatiko pagkaputol ng isang sanga ng katawan ng tao, bahagi man o buo, ay nakakalikha ng dagliang panganib na mamatay ang naputulan dahil sa pagkawala ng dugo.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. gapóng: amputate Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  2. amputation Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., maghiwalay ng anomang bahagi ó sangkap ng katawan: v. amputate.
  3. Current Surgical Diagnosis and Treatment: "Amputations", mga edisyong Lange, USA, 2009
  4. Harry Gouvas: "Accidents and Massive Disasters", mga edisyon ng Griyegong Red Cross, 2000
  5. Neil Watson: "Hand Injuries and Infections" Cower Medical Publishing, London, New York, 1996, ISBN 0-906923-80-8
  6. Harry Gouvas: "Accidents and massive Disasters", mga edisyong ng Griyegong Red Cross, 2000