Talaarawang panghalamanan
Ang talaarawang panghalamanan o kalendaryong panghardin ay isang talaarawan o kalendaryo na ginagamit bilang patnubay kung ano ang dapat gawin ng isang manananim o hardinero sa bawat buwan, sa labas man o loob ng kaniyang tahanan. Naglalaman ito ng mga gabay kung anong mga halaman ang maaaring itanim sa hardin at yaon ring mailalagay sa loob ng kabahayan. Karaniwang nakaayon ang mga payong pangtagatanim ayon sa rehiyon o pook na tinitirhan ng taong mahilig mag-alaga ng mga halaman o paghahardin.[1] Maaari ring nasa anyo ng isang talangguhit na pangpagtatanim, o mayroon nito, ang isang talaarawang panghalamanan, na naglalaman ng mga bantog na mga halamang namumulaklak at mga gulay. Kabilang sa mga kabatirang nakatala ang pangalan ng halaman, kailan at saan maaaring itanim, sukat ng pagitan sa pagtatanim, kailan namumulaklak at nananatiling may bulaklak ang mga halaman, at panahon ng pag-aani (kung gulay o kaya namumunga ng mga prutas). Karaniwang naglalaman ang mga talaarawan o talangguhit na ganito ng mga panlahatang kabatiran lamang, partikular na ang panahon ng pagtatanim, kaya't sumasangguni rin ang mga naghahalaman sa kung ano ang nakasulat sa likod ng biniling pakete o sisidlan ng mga buto ng mga halaman.[2]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Everett, T.H. (patnugot). "The Garden Calendar," The New Illustrated Encyclopedia of Gardening (unabridged), Tomo 1, Greystone Press, New York/Toronto/London, pahina 128, MCMLXXII (1972), Bilang ng Katalogo mula sa Aklatan ng Kongreso (Estados Unidos) 60-7000
- ↑ "Planting Chart for Popular Flowers and Vegetables, Gardens and Gardening, pahina 26-52". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.