Gastornis
Gastornis Temporal na saklaw: Huling Paleoseno - gitnang Eoseno
| |
---|---|
kalansay ng Gastornis | |
Klasipikasyong pang-agham | |
Kaharian: | |
Kalapian: | |
Hati: | |
Subklase: | |
Infraklase: | |
Superorden: | |
Orden: | |
Pamilya: | †Gastornithidae
|
Sari: | †Gastornis Hébert, 1855[1]
|
Mga uri | |
5, tingnan ang teksto | |
Kasingkahulugan | |
Barornis Marsh, 1894 |
Ang Gastornis (bigkas: /ɡæˈstɔrnɨs/, nangangahulugang "ibon ni Gaston") ay isang hindi na nabubuhay na sari ng malaking ibong hindi lumilipad na namuhay noong mga huling kapanahunang Paleoseno at Eoseno ng Senosoiko. Pinangalan ito noong 1855 kay Gaston Planté na nakatuklas sa unang mga kusilba sa pormasyon ng mga deposito sa Argile Plastique sa Meudon malapit sa Paris, Pransiya.[4] Noong panahong iyon, Planté (nilarawan bilang "mapag-aral na kabataang lalaking na puno ng kasiglahan"[4][5]) ay nasa simula pa lamang ng kaniyang karerang akademiko, at ang kanyang kahangahangang tuklas ay kaagaran mapapangibabawan ng kanyang sumunod na mga nagawa sa larangan ng pisika.
Noong mga 1870, nakatuklas ang bantog na Amerikanong paleontologong si Edward Drinker Cope ng isa pang mas buong pangkat ng mga kusilba sa Hilagang Amerika, at pinangalanan silang Diatryma[6] (bigkas: /ˌdaɪəˈtriːmə/ DYE-ə-TREE-mə), mula sa Sinaunang Griyegong διατρέμα diatrema o boroto o lunday (Ingles: canoe).[7].
Natagpuan ang mga kusilba o fossil ng mga ibong ito sa kanluraning-gitnang Europa (Inglatera, Belhika, Pransiya at Alemanya) maging sa Hilagang Amerika.
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Fide Prévost (1855)
- ↑ Ichnotaxon, pansamantalang nilagay dito. May pagtatalo sa pagpapatibay.
- ↑ Ichnotaxon, pansamantalang nakalagay dito.
- ↑ 4.0 4.1 Prévost (1855)
- ↑ Salin mula sa Ingles na: "studious young man full of zeal"
- ↑ Harvey, Anthony; Barry Cork; Maurice Allward; Teresa Ballús; Roser Oromi (1978). "Diatryma". Qué Sabes del Universo 1 (orihinal na pamagat: New World of Knowledge: Our Earth and the Universe). Ediciones Nauta, S.A. (nilimbag sa Espanya) / William Collins Sons and Company Limited, ISBN 84-278-0441-5, ISBN 84-278-0453-9.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 66. - ↑ Cope (1976)