Gawad Palanca
Ang Gawad Pang-alaala kay Don Carlos Palanca para sa Panitikan o Gawad Palanca ay isang pinakabantog at pinakamatagal na gawad pampanitikan at binansagang "Gantimpalang Pulitzer" ng Pilipinas.[1] Ito ang pinakamataas na parangal sa panitikan ng bansa sa kataasan ng prestihiyo. Ang mga nagwagi ay kadalasang kasama sa kompetisyon bilang mga nauna nang nalathala o kaya naman nasa anyong manuskrito ito. Ang Gawad Palanca, na inorganisa ng Carlos Palanca Foundation, ay isa sa pinakamatagal na programa ng mga parangal sa Pilipinas. Ipinangalanan ito kay Carlos Palanca Sr.
Karaniwan, kung hindi lahat, sa mga mahalaga o pangunahing manunulat na Pilipino ay may isa o maraming Palanca sa kanilang bigkis. Sa mga iba, lalo na ang mga baguhang manunulat na kathang-isip o makata, ang pagkapanalo ng isang Palanca ay isang uri ng pagbibinyag ng apoy na isa ay nakatuntong sa pangkat ng pampanitikang Pilipino.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang Gawad Carlos Palanca noong 1950 bilang pagbibigay-pugay kay Don Carlos Palanca, Sr., isang tao na nag-aral na may sariling pagsisikap at umangat hanggang sa naging matagumpay na negosyante. Siya ay patron ng mga institusyong pang-edukasyon at itinanim niya sa mga isip ng kanyang mga anak ang halaga ng edukasyon.
Ang kanyang mga tagapagmana ay nagpasiya na kanyang pangalan ay dapat magkaroon ng karangalan sa mga nagsusumikap na nakakatulong sa pagpapayaman ng pamanang pangkultura ng bansa.
Ang mga layunin ng gawad nakapagtulong sa pagpapaunlad ng panitikang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo para sa mga manunulat upang maglikha ng kanilang pinakanamumukod-tanging gawang pampanitikan; at maging kayamanan ng hiyas na pampanitikan ng Pilipinas mula sa mga manunulat na Pilipino at tumulong sa panghuling diseminasyon sa mga tao, lalo na sa mga mag-aaral.
Sa taong 2000, ang Pangkalahatang Tagapamahala ng Gawad ay si Sylvia Palanca-Quirino.
Pag-unlad ng mga kategorya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagsimula ang gawad sa kategoryang Maikling Kuwento sa Tagalog at Inggles.
Pagkalipas ng mga taon, gayundin ang gawad na umaani ng pumapanaig na pakli, nadagdagan ang mga bagong kategorya: Dulang May Isang Yugto noong 1953; Tula noong 1963, Dulang Ganap ang Haba noong 1975, Sanaysay noong 1979, Nobela noong 1980, Maikling Kuwentong Pambata noong 1989, Dulang Pantelebisyon noong 1990, at Dulang Pampelikula noong 1994.
Noong 1997, nabuksan ang tatlong bagong dibisyon. Ito'y mga Iloko, Cebuano at Hiligaynon-Ilonggong Maikling Kuwento. Upang udyuking magsulat mula sa kabataan, ang Kabataang Sanaysay para sa mag-aaral ng mataas na paaralan ay nabuksan noong 1998. At noong 2000, nadagdagan ang isang bagong kategorya: Kuwentong Pangkathang-Isip na Panghinaharap, isang hiwalay na uri ng maikling kuwento na may pananaw sa kabila ng sa kinabukasan na sumasaklaw sa hangganan ng kasalukuyan.
Kasalukuyang koleksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pag-aani ng mga likhang pampanitikan ay karampatang kamangha-mangha.[1] Inilathala nang panayan ng Pundasyong Carlos Palanca ang mga antolohiya ng mga nagwaging likha, kabilang ang bawat antolohiya na sinasakop ng lahat ng mga nanalong wayway na pampanitikan ng isang tiyak na kategorya (Hal. Maikling Kuwento sa Tagalog) sa isang dekada (Hal. dekada 80).
Kategorya | Kabuuan | Inggles | Tagalog | Iloko | Cebuano | Hiligaynon |
---|---|---|---|---|---|---|
Maikling kuwento | 367 |
167 |
164 |
12 |
12 |
12
|
Maikling kuwentong pambata[2] | 85 |
43 |
42 |
|||
Tula[3] | 300 |
162 |
138 |
|||
Sanaysay[4] | 142 |
70 |
72 |
|||
Nobela[5] | 28 |
12 |
16 |
|||
Dulaang may isang yugto[6] | 289 |
131 |
158 |
|||
Dulaang may tatlong yugto | 128 |
54 |
74 |
|||
Dulang pantelebisyon[7] | 42 |
5 |
37 |
|||
Dulang pampelikula[8] | 22 |
22 |
||||
Kabataang sanaysay[9] | 18 |
9 |
9 |
|||
Kuwentong pangkathang-isip na panghinaharap[10] |
6 |
3 |
3 |
1. ^ Nailikom ng Pundasyong Carlos Palanca sa taong 2000.
2. ^ Inilunsad noong 1989.
3. ^ Inilunsad noong 1963.
4. ^ Inilunsad noong 1979.
5. ^ Inilunsad noong 1980.
6. ^ Inilunsad noong 1953.
7. ^ Inilunsad noong 1990.
8. ^ Inilunsad noong 1994.
9. ^ Inilunsad noong 1998.
10. ^ Inilunsad noong 2000.
Ang Bulwagan ng Katanyagan ng Palanca
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Bulwagan ng Katanyagan ng Palanca ay itinatag noong 1995 at ipinagkaloob ito sa mga nanalo ng Palanca na nakapanalo ng limang unang gantimpala sa mga panayang kategorya. Ang mga kasalukuyang nakamit ng Bulwagan ng Katanyagan ng Palanca ay:
2009
[baguhin | baguhin ang wikitext]2007
[baguhin | baguhin ang wikitext]2006
[baguhin | baguhin ang wikitext]2005
[baguhin | baguhin ang wikitext]2004
[baguhin | baguhin ang wikitext]2003
[baguhin | baguhin ang wikitext]2001
[baguhin | baguhin ang wikitext]2000
[baguhin | baguhin ang wikitext]1999
[baguhin | baguhin ang wikitext]1996
[baguhin | baguhin ang wikitext]1995
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Gregorio C. Brillantes
- Ruth Elynia S. Mabanglo
- Buenaventura S. Medina Jr.
- Jesus T. Peralta
- Rolando Tinio
- Rene Villanueva
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Aguilar, Dheza Marie (2007-09-15). "Ang Ika-57 Gawad Carlos Palanca". Manila Standard. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-17. Nakuha noong 2008-02-23.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)