Pumunta sa nilalaman

Giuseppe Maria Tomasi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Giuseppe Maria Tomasi (12 Setyembre 1649–1 Enero 1713) ay isang Cardinal at santo ng Simbahang Katoliko. Ipinanganak siya sa Sicily, Italia.

Anak ng isang mayamang duke ng Palermo si Tomasi. Nag-aral ng pilosopiya sa Messina, Ferrara, at Modena, at ng teolohiya sa Roma at Palermo. Inordinahan siyang pari noong 25 Disyembre 1673 at namuhay bilang ermitanyo. Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan ng mga Katoliko sa Enero 1.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.