Pumunta sa nilalaman

Grin Department

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Grin Department ay isang bandang alternative punk rock (isang alternatibong uri ng musikang bato) mula sa Pilipinas na nabuo noong 1995 sa Santa Mesa, Maynila.[1] Kinabibilangan ng orihinal na mga miyembro sina Bong Pascasio (bokalista), Andrew (bahista at pang-backup na bokalista), at Peter Paul Plazon (tagatambol). Kilala sila sa mga awiting novelty na may pilyong titik[2] na may dobleng kahulugan.[3]

Noong 2012, namatay ang bokalista nilang si Bong.[1][2] Ang mga kasapi ng banda noong 2018 ay sina Andrew Balatbat (bahista at bokalista), Jason Pelonia (gitarista), at Alfie Gutierrez (tagatambol).[4] Nakapaglabas ang banda ng apat na album kabilang ang dobleng unang paglabas ng mga album na Melts in Your Mouth at Ha He Hi Ho Hu sa ilalim ng Ivory Records na naging dobleng platino (double platinum) ang benta.[5]

Noong 2022, nanalo ang kanilang awiting "Chub@by" bilang Best Novelty Recording (Pinakamahusay na Pag-rekord na Awiting Kakaiba) sa Awit Awards.[6][7]

Mga sanggunian

  1. 1.0 1.1 Gopez, Jhi D. (2012-11-16). "Iniwang banda ng namatay na bokalista ng Grin Department, tuloy pa rin". Philstar.com. Nakuha noong 2023-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "Grin Department frontman passes away". ABS-CBN News (sa wikang Ingles). 2012-11-10. Nakuha noong 2023-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Vera Mella, Alfie (2017-04-25). "Philippines' Finest Alternative Novelty Bands". Filipino Journal (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. ""YumYam" New Official Music Video By Grin Department". Rakista Radio (sa wikang Ingles). 2018-06-14. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-01-18. Nakuha noong 2023-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "What keeps Grin Department alive?". OneMusicPH (sa wikang Ingles). 2017-01-11. Nakuha noong 2023-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Brosas, Alex (2022-11-25). "LIST: Mga celebrities at artists na nagwagi sa Awit Awards 2022". INQUIRER.net (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "LIST: Awit Awards 2022 winners". ABS-CBN (sa wikang Ingles). 2022-11-23. Nakuha noong 2023-01-18.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)