Pumunta sa nilalaman

Hinekomastiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Gynecomastia)
Ang hinekomastiyang dulot ng pag-eehersisyo na makikita sa mga lalaking naghuhubog ng katawan.

Ang hinekomastiya o ginekomastiya, mula sa Ingles na gynecomastia (bigkas: [ˌɡaɪnɨkɵˈmæstiə], ay ang pagkakaroon o pag-unlad ng abnormal na malaking mga glandulang mamarya sa mga kalalakihan na kinalalabasan o nagreresulta sa paglaki ng suso. Nagmula ang salita sa Griyegong γυνή o gyne (salitang-ugat: gynaik-) na nangangahulugang "babae" at μαστός o mastos na may ibig sabihing "suso". Pisyolohikal na nagkakaroon ng ganitong kundisyon o kalagayan sa mga sanggol o neonado (dahil sa mga hormonang pambabae mula sa ina; tinatawag itong gatas ng mangkukulam), sa adolesensiya, at sa mga matatanda. Sa mga adolesente o kabataang mga lalaki, karaniwang pinanggagalingan ng pagkabagabag ang katayuang ganito, subalit umiimpis o nawawala ang paglaki o pag-unlad ng suso sa loob ng dalawang mga taon sa karamihan ng mga lalaking nagkakaroon ng hinekomastiyang pubesente o pangpagbibinata.[1] Nananatiling hindi matiyak ang mga sanhi ng pangkaraniwang hinekomastiya, bagaman pangkalahatang inilalagak ito sa pagkakaroon ng hindi pantay na bilang ng mga hormonang seksuwal o pagtugon ng mga lamuymoy o tisyo sa mga ito; bihirang matukoy ang pinag-ugatang sanhi nito sa mga kasong pang-indibiduwal. Nagreresulta ang pag-umbok ng suso mula sa paglaki o hipertopiya ng organo ng tisyu ng suso, tisyung adiposa ng dibdib at balat, at tipikal na kumbinasyon ng mga ito. Kalimitang tinatawag na sudohinekomastiya o sudoginekomastiya (mula sa Ingles na pseudogynecomastia, peke o hindi tunay na paglaki ng suso) ang pamamaga ng susong dahil sa labis na adiposa.[2] o minsan bilang lipomastia o lipomastiya.[3]

Dapat na ipagkaiba ang hinekomastiya mula sa hipertropiya ng gawain ng mga pangunahing muskulong pektoralis na sanhi ng sobrang ehersisyo, katulad halimbawa ng paglangoy at pagpiga sa bangko (pagpisa sa bangko).

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Adolescent gynecomastia Naka-arkibo 2010-02-10 sa Wayback Machine., KeepKidsHealthy.com
  2. Braunstein, GD (1993). "Gynecomastia". N Engl J Med. 328 (7): 490–5. doi:10.1056/NEJM199302183280708. PMID 8421478. {{cite journal}}: Unknown parameter |month= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Allee, Mark R (2006-11-15). "Gynecomastia". WebMD, Inc. (emedicine.com). Nakuha noong 2007-05-20.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)