Alimpungat
Ang alimpungat ay ang kalagayan ng pagiging kalahating tulog at pagiging kalahating gising ("hindi gising at hindi tulog", o "alanganing tulog pa at alanganing gising na") ng isang tao pagkaraan ng panahon o oras ng pagtulog. Kalimitan itong nararanasan o nagaganap kapag nabibigla sa paggising ang isang taong natutulog pa nang mahimbing, halimbawa na kung magulat dahil may pumasok at nambulabog na magnanakaw sa isang bahay.[1] Sa Ingles, katumbas ito ng pariralang half-awake and half-asleep, ngunit may tuwirang kahulugan sa Ingles bilang rude awakening[2], na nagpapahiwatig ng "hindi mabuting paggising" o "nabiglang paggising". Kaiba ang naaalimpungatan mula sa katayuan ng pagkakaroon ng somnolensya, isang uri ng kagustuhang matulog.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ English, Leo James (1977). "Alimpungat, maalimpungatan". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731., pahina 33.
- ↑ Alimpungat, rude awakening Naka-arkibo 2009-09-09 sa Wayback Machine., livinginthephilippines.com
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao at Biyolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.