Hallyu
Ang artikulong ito ay nangangailangan ng maayos na salin. (Enero 2014) |
Korean Wave | ||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Korean | ||||||||
| ||||||||
Japanese | ||||||||
| ||||||||
Chinese | ||||||||
|
Ang Along Koreano, Koreanong Alon, Dagsang Koreano, Koreanong Daluyong, o Bugsong Koreano (Ingles: Korean Wave), kilala din bilang Hallyu (Hangul: 한류; Hanja: 韓流; RR: Hallyu), ay tumutukoy sa pagkalat ng kultura ng Timog Korea sa buong mundo. Ang salita ay nagmula sa Tsina noong taong 1999 na galing sa mga manunulat mula sa Beijing na nagulat sa mabilis na pagsikat ng kulturang Koryano sa Tsina. Ang Korean Wave ay naghahatid ng mahigit na isang bilyong dolyar na kita taun-taon para sa Timog Korea sa pamamagitan ng pag-e-eksport ng kanilang kultura.
Koreanong drama
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangunahing Artikulo: Korean drama
Noong 1999, nabalita ang pagkakaroon ng "Korean Wave" sa Tsina, Taiwan, Vietnam, Hong Kong, at iba pang bansa sa Asya. Noong 1997 nang matamaan ng IMF crisis at pinaniwalaang humihina na ang modernisasyong pang-industriya, nagkaroon ng malawakang pagkilos nang magamit ang mas pinataas pang uri ng kultura upang malampasan ang krisis ng bansa. Ang mga dramang Koreano ay patuloy na kumalat sa Asya. Naging sikat ang mga ito sa Hapon, Tsina at Timog-Silangang Asya at nagsimula rin itong sumikat sa Europa at Hilagang Amerika.
Korean pop music
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pangunahing Artikulo: K-pop
Ang Korean pop music ang naging pinakamalaking parte ng Korean Wave. Mas kilala ito sa pangalang K-pop. Ang kasikatan ng K-pop ay iniuugnay sa talento at pagsasarili at pagkakaroon ng sari-saring uri sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga kilalang internasyunal na prodyuser. Nitong mga nakaraang taon, kinikilala ng mga kompanya sa industriyang panlibangan ng Korea ang Youtube bilang isang mahalagang paraan sa pagpapakalat ng kulturang Koreano. Ayon kay Bernie Cho, presidente ng isang ahensiyang nakabase sa Seoul na dalubhasa sa pangangasiwa ng gawain ng mga artistang Koreanong nagpapasikat sa ibang bansa, ang mga kompanya ay "agresibong nagsisikap na maging internasyunal sa pamamagitan ng internet".
Iba pang aspeto ng Korean Wave
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Korean Wave ay sumasalamin din sa pagkalat ng iba pang aspeto ng kulturang Koreano gaya ng pagkain, pananamit, video game at wika.
Epekto
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa mga taon ng pagbubuo ng Hallyu, maraming kritiko ang nagsabi na ang Korean Wave ay malapit na ring mawala ngunit kamakailan lamang ay kabaliktaran ang kinalabasan. Ang pag-e-eksport ng kulturang Koryano ay hinulaang aabot sa $3.8 bilyon ang kita sa 2011, mas mataas ng 14% mula sa nakaraang taon. Kahit na malayo ang naaabot ng industriyang ito, marami ang nababahala sa pang-matagalang tatag ng industriya. Ang Korean wave ay isa sa pinagmamalaki ng mga Koreano. Si Lee Dong Yeun, sa kanyang isinulat sa Korea Journal, ay nagsabing "kapag ang Korean Wave ay patuloy na lumawak na sumasalamin sa diplomasya at sumusuporta sa kapitalistang pag-iisip imbis na [...] palawakin ang panlasa sa kultura ng mga tao, ito ay kailangang makipagbanggaan sa etnosentrisismo ng Tsina at sa malambot na nasyonalismo ng Hapon".
Ang mga lalaking Koreanong artista ay kasama na sa mga aktor na may pinakamalaking bayad sa labas ng Hollywood. Ayon sa South Korean Media, ang bida sa dramang Winter Sonata na si Bae Yong Joon ay naniningil na ng US$5 milyon para sa isang pelikula; pinakamataas sa Asya. Mayroon pang hindi bababa sa siyam pang mga lalaking artista ang kumikita ng $10 sa isang taon. Ang ganitong klase ng pagsikat ng mga artista ay nagsisilbing panghakot ng turista.
Ang turismo sa Timog Korea ay naiulat na malaki ang inangat simula ng magsimula ang Hallyu. Mulang 2003 hanggang 2004 lamang, ang turismo ay tumaas mula sa 2.8 milyong naging 3.7 milyong mga banyaga ang bumisita sa kanilang bansa. Ang Korea Creative Content Agency (KCCA) ng Ministro ng Kultura, Laro at Turismo ay gumamit ng telebisyon, pelikula, at musika upang maparami ang maging interasado sa kanilang bansa.
Noong 2008, ang pinakamalaking K-pop eksport, ang grupong TVXQ/Tohoshinki, ay nakapasok sa Guinness World Records sa pagkakaroon ng pinakamalaking base ng panatiko. Cassiopeia, ang opisyal na pangalan ng grupo, ay mayroong 800,000 opisyal na miyembro sa Timog Korea lamang, at nasa 200,000 opisyal ng miyembro sa Hapon (BigEast) at higit pa sa 200,000 na panatiko sa iba pang parte ng mundo (iCassies). Nagpatuloy ito hanggang 2009. Maliban sa pagkakaroon ng pinakamaraming tagasuporta, ang grupo ay nalista din bilang pinakamaraming kuha ng litrato para sa mga opisyal na publiksayon. Mula sa kanilang pagkakabuo noong 19 Marso 2009, ang limang miyembro ay tinatantiyang may 500 milyong beses na nakuhanan ng litrato para sa mga magasin, album, patalastas, atbp. Ang bilang na ito ay kasama na ang indibidwal na mga litrato pati na ang mga grupong mga kuha.
Hilagang Korea
[baguhin | baguhin ang wikitext]Naging matatag ang Hallyu pop culture sa Hilagang Korea. May mga drama, pelikula at musika mula sa timog ang ilegal pinapasok at binebenta sa merkado ng bansa. Noong Nobyembre 2010, isang lalaki ang inaresto ng North Korean State Security Department dahil sa paggawa ng mga kopya ng mga drama mula sa Timog Korea sa mga DVD sa kanyang bahay sa Pyonganbukdo at pagbebenta nito sa Pyongyang.
Hapon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa bansang Hapon, ang Korean Wave ay nagsimula matapos ang matagumpay na pagsasa-ere ng dramang WInter Sonata. Ang mas nakakatandang populasyon ang unang pokus ng Hallyu noong panahong iyon. Sumunod sa paglakas ng Koreanong kultura ay natuloy sa mga mang-aawit na si BoA at ang grupong TVXQ. Ang album ng TVXQ na Best Selection ay nanguna sa Oricon Chart, nakapagbenta ng humigit-kumulang 413,000 na kopya. Nakasira sila ng 15-taong talaan bilang pinakamataas na unang-linggong benta ng isang banyagang grupo na una nang nagawa ni Bon Jovi noong 1995. Ang TVXQ ang unang Koryanong grupo na nagtanghal at nakapagbenta ng 100,000 tiket sa Tokyo Dome. Sumunod dito ang JYJ isang taon ang makalipas, nakapagbenta ng 140,000 na tiket, nang magtanghal sila para sa Thanksgiving Live in Dome. Ang TVXQ ang una at nag-iisang Koreanong grupo na nakadalo sa Kōhaku Uta Gassen kung saan iniimbitahan lamang ang mga pwedeng makadating kung kaya't ang mga nakakapunta lamang dito ay ang pinakamatagumpay na J-pop at enka na mga mang-aawit. Hanggang ngayon, sinasabing ang pagtatanghal sa Kohaku ang pinakamalaking karangalan sa karera ng isang artista. Sumunod ang Big Bang sa pamamayagpag ng TVXQ sa bansa. Sila ay nahirang bilang "Korea's EXILE" ng isa sa mga diyaryong hapon. May ilang mga mamamahayag at manunulat ang kamakailan ay bumisita sa Korea at kapag natatanong tungkol Big Bang, ang kanilang sagot, "Mukhang maganda ang nagiging takbo ng kanilang promosyon sa aming bansa. Ang Big Bang ay tila isang grupo ng mga mang-aawit na may kanya-kanyang nakakaaliw na personalidad at kakaibang istilo sa musika. Mayroong malakas na pagkahilig sa kanila sa bansa. Noong 2010, ang mga grupong Kara at Girls' Generation ay nagmarka ng pagprogreso ng ibang mga miyembro K-pop matapos magkaroon ng mataas ng ranggo sa Oricon Charts. Ang mga grupong ito na pumasok sa merkado ng Hapon ay nakapokus naman sa nakakabatang populasyon, lalo na sa mga teenedyer. Ang mga grupong ito ay sinasabing "makabago at kaakit-akit" na may pagdiin sa pagiging "marunong" kaysa sa pagiging "kyut" o "Kawaii" kung saan kilala ang mga J-pop groups. Noong 2011, ang grupong 2PM naman ang naglabas ng kanilang mga kanta na "Take-Off" at nanguna sa pre-order na talaan pati sa USEN J-POP chart at pumangatlo sa Oricon. Maraming mga grupo ang nagsisipuntahan sa bansang Hapon at sumisikat. Ngunit ang pagpasok ng Hallyu ay nagresulta sa kontrobersiya. Ang mga konserbatibo at nasyonalistang grupo sa bansa ay nagkaroon demonstrasyong anti-hallyu. Noong 7 Agosto 2011, higit pa sa 2,000 ang nagprotesta sa harap ng punong himpilan ng Fuji TV sa Odaiba, Tokyo laban sa pagdami ng Koryanong drama na ipinapalabas dito. Hulyo ng parehong taon, ang kilalang aktor na si Sousuke Takaoka ay tinanggal sa Stardust Promotion, ang kanyang ahensiya, sa pagtu-"tweet" ng masamang mga salita ukol sa dami ng mga Koryanong drama na ipinapalabas sa lokal na mga telebisyon. Isa pang pag-aaklas ang ginawa laban sa Hallyu noong Agosto 21.
Tsina, Taiwan and Hong Kong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Tsina ang isa sa mga unang lokasyon na pinasok ng Hallyu. Noong 2006, ang mga programa mula sa Timog Korea sa mga network ng Tsina ay mas marami pa sa iba pang mga banyagang programa na pinagsama-sama. Karagdagan pa dito, ang Koreanong musika ay mas patok sa merkado ng Tsina at Taiwan. Ang pagkakaroon ng depisit sa kulturang kalakal sa Tsina ang naging dahilan kung bakit nilimitahan ng gobyerno ang bilang ng mga drama at konsert na nagaganap sa kanilang bansa. Sa Taiwan, ang tagumpay ng mga drama ay dahil sa isang pagdidiin sa proseso ng lokalisasayon nito. Mataas ang demand ng Hong Kong sa mga drama mula sa Timog Korea kung kaya't ilang tsanel ang nilikha para lamang dito. TVB, ang nagpapalakas na Hallyu sa Hong Kong, ay nagtayo ng isang TV tsanel, TVB-J2, noong 2008 na buong araw ay nagpapalabas lamang ng Koreanong drama. Isa pang tinayo ang ATV na nagpapalabas ng mga drama tuwing tanghali limang araw kada isang linggo.
Sikat man ang mga Koreanong mga drama sa Sinosphere, ang mga estasyon sa Taiwan at Tsina ay pinapaigting ang patuloy na pagbabawas sa oras ng pagpapalabas ng mga drama sa pangamba na baka bumagsak ang lokal ng industriya ng pelikula para sa Hallyu at kritisismo mula sa mga lokal na industriya kasama na ang Pang-estadong Administrasyon ng Tsina sa Radyo, Pelikula at Telebisyon.
Iba pang bahagi ng Asya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Korean wave ay nabalita sa mga lugar gaya ng Maniput, India kung saan ang kulturang Koreano ang pumalit sa lugar ng mga ipinagbawal na Bollywood na drama at pelikula. Ang mga kabataan sa Nepal ay tinanggap na rin ang Korean Wave. Ang musika ay nagiging sikat na rin sa Gitnang Silangan kung saan merong estasyong tinatawag na Korea TV sa salitang Arabo. Sa India pati na Pakistan, ang Koreanong musika at siris ay nauso at sumikat. Umabot na rin ito sa Thailand, Pilipinas at iba pang parte ng Timog-Silangang Asya.
Hilaga, Timog & Latin Amerika
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Hallyu ay bago lamang sa Amerika. Hindi pa matagal ng kumalat ito sa pamamagitan ng musika at drama. Ang mga websayt gaya ng Facebook, Youtube, Tumblr at Twitter ay kinilala bilang mahalagang kagamitan sa pagpakalat nito. Ang mga mang-aawit gaya nina BoA, Se7en, Wonder Girls, at JYJ ay sumubok na pasukin ang merkado ng Amerka at iba't ibang lebel ng tagumpay ang natanggap ng bawat isa. Si Rain, ang Koryanong superstar, ay pumasok naman sa industriya ng pelikula. Noong 2 Mayo 2011, bumisita ang kilalang mang-aawit at prodyuser na si Will.I.Am ng Black Eyed Peas sa YG Entertainment sa Korea para miting na umabot ng 4 na oras kasama si Yang Hyun Suk, 2NE1 at Teddy ukol sa pagpasok ng 2NE1 sa Amerika. Ang banyagang prodyuseray naglabas ng kantang "Check It Out" kasama si Nicki Minaj at ito ay nakuha ang interes sa mga Koryano sa paggamit nito ng Hangeul. Si Will.I.Am ay nagpahayag ng kanyang kagustuhan na makipagtrabaho sa 2NE1 sa pamamagitan ng pag-iimbita sa mga dalaga upang awitin ang kantang ginagawa niya sa Estados Unidos. Isang kinatawan ng YG Entertainment ang nagsalita, "Sa pamamagitan ng pagbisita ni Will.I.Am, nararamdaman naming napapalapit kami sa paglalabas ng 2NE1 ng sarili nilang album sa merkado sa Kanluran. Ang Big Bang naman ay nanalo sa Eurpeoan Music Awards para sa Worldwide Act. Tinalo nila si Britney Spears at iba pang malalaking pangalan. Ito ay sumasagisag sa lumalaki pang bilang ng mga tumatanggap sa Korean Wave sa iba't ibang parte ng mundo at nagbigay ng ideya sa marami ng pagpasok ng Big Bang sa merkado ng Amerika. Maliban pa dito, ang mga kompanya mula sa Timog Korea ay nagpapakita ng kanilang interes sa mga websayt na nagmula sa Timog Amerika. Ang mga websayt gaya ng DramaFever, Crunchyroll at Hulu ay nag mayroong mga Koreanong mga programa. Ang Koreanong kompanya na Enswers ay binili ang Soompi.com, isang pop culture na websayt na naglilingkod sa Estados Unidos.
Europa & Hilagang Aprika / Gitnang Silangan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon ng tumataas na interes ukol sa K-pop at Koreanong mga drama sa Europa at Timog Aprika/Gitnang Silangan sa pamamagitan ng Youtube at iba pang mga websayt. Noong 1 Mayo 2011, Ang mga panatiko mula sa iba't ibang parte ng Europa ay gumawa ng isang flash mob sa harap ng Le musée du Louvre na humihiling ng isa pang "SM Town World Tour in Paris" na konsert matapos maubos ang lahat ng mga tiket sa loob ng labinlimang minuto. Ang flash mob ay ginawa sa pamamagitan ng pagsasayaw ng isang malaking grupo ng mga taga-suportang Europeo sa mga Koryanong awit gaya "Sorry Sorry" ng sikat na grupong Super Junior. Ang petisyon ay naging matagumpay dahil ang SM Entertainment ay nagpasya na magkaroon pa ng isa pang pagtatanghal. Bilang resulta, nagkaroon ng pagtitipon ang mahigit-kumulang ng 14,000 para sa "SM Town Live in Paris" sa Le Zénith de Paris noong Hunyo 10 and 11. Noong huling bahagi ng Hulyo 2011, ang kanta ng 2NE1 na "I Am the Best" ay nanguna sa German na tsanel pang-musikang Viva, na sinundan naman ng "Mona Lisa" na kinanta ng MBLAQ at "Breath" ng grupong Beast.
Pagtuligsa at Kritismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasama sa tagumpay ng Korean Wave ang kritisismo. Gaya ng iba pang lumalaking kasikatan, ang Korean pop culture ay inaatake sa mga bansang inaabot nito gaya ng mga naging kaso sa Hapon, Tsina, at Taiwan. Ang mga anti-Korean ay sinasabing nauugat sa kasaysayan at pagkansiyonalista. Sa bansang Hapon, isang anti-Korean na komik ang nilabas: Hating the Korean Wave o Hate Korea: A Comic. Ito ay nilabas noong 26 Hulyo 2005 na naguna sa Amazon.co.jp. Ang Hapones na aktor na si Sousuke Takaoka ay lantarang nagpakita ng kanyang pagkamuhi sa kanyang Twitter, na nagsimula ng isang pagkilos sa internet upang iboykot ang Koreanong mga programa sa lokal na telebisyon sa Hapon noong ika-8 ng Agosto.