Pumunta sa nilalaman

Han Chae-young

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Han Chae Young
Kapanganakan13 Setyembre 1980[1]
  • (Yeongnam, Timog Korea)
MamamayanTimog Korea
NagtaposPamantasang Dongguk
Trabahoartista sa pelikula, artista

Si Han Chae-young (ipinanganak Kim Ji-young noong Setyembre 13, 1980), ay isang artista mula sa bansang Timog Korea. Una siyang nakilala bilang kontrabida sa mga Koreanovelang Autumn in My Heart (2000) bago naging kilala bilang bida sa Delightful Girl Choon-Hyang (2005). Kabilang sa kanyang ibang palabas ang Only You (2005), Fireworks (2006), Boys Over Flowers (2009), A Man Called God (2010) at Pretty Man (2013).

Si Han Chae-young ay ipinanganak bilang Kim Ji-young sa Daegu, South Korea, ngunit nandayuhan ang kanyang pamilya sa Estados Unidos at noong bata pa siya, lumaki sa suburb ng Chicago, kung saan nag-aral siya sa Glenbrook South High School. Noong bumisita siya sa Timog Korea, sinasabing nadiskubre siya ng isang Koreanong komedyante na iminungkahi sa kanya na ipagpaliban muna ang kanyang plano sa pagpunta sa kolehiyo at subukan ang pag-arte.[2][3][4]

Nang kinuha niya ang pangalan sa entablado na Han Chae-young, una siyang lumabas noong 2000 sa pelikulang katakutan na The Record. Ang kanyang pagganap bilang kontrabida sa Autumn in My Heart ay nagbigay sa kanya ng karagdagang pagkilala sa kanya, bagaman pinuna ang kanyang di akmang kasanayan sa pag-arte.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Internet Movie Database (sa wikang Ingles), nm1117699, Wikidata Q37312, nakuha noong 17 Hulyo 2016{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Hong, Lucia (23 Disyembre 2010). "Han Chae-young in China to film new movie" (sa wikang Ingles). 10Asia.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Han Chae-young to Make Chinese Film Debut". The Chosun Ilbo. 6 Nobyembre 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Kinuwento muli ni Chaeyoung ang kanyang istorya sa Sister's Slam Dunk 2.
  5. Hwang, Hye-jin (2017-03-17). "한채영 "데뷔작 '가을동화' 망쳤다고 욕 많이 먹어, 창피했다" 눈물". Newsen (sa wikang Koreano).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.