Pamantasang Dongguk

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Myeongjin Hall, ang pinakalumang gusali sa unibersidad
Jeonggakwon, templong Budista sa unibersidad

Ang Pamantasang Dongguk (Ingles: Dongguk University, Koreano: 동국대학교, Hanja: 東國大學校) ay isang pribado at koedusyonal na unibersidad sa Timog Korea, na nakabatay sa Budismo. Itinatag noong 1906, bilang Paaralang Myeongjin (명진학교; 明進學校), ang university na nakatanggap ng antas na unibersidad noong 1953. Ang university ay nananatiling isa sa kaunting unibersidad sa mundo na konektado sa Budismo. Miyembro ito ng International Association of Buddhist Universities.[1]

Ang unibersidad ay nagpapatakbo rin ng mga campus sa Goyang, Gyeongju, at sa Los Angeles, Estados Unidos. Ang unibersidad ay nagpapatakbo ng dalawang kaakibat na ospital ng medisinang kanluran, at apat sa medisinang oryental, kung saan kabilang ang tradisyonal na medisinang Koreano.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "List of Universities and Colleges". International Association of Buddhist Universities. Hinango noong Pebrero 20, 2018.