Pumunta sa nilalaman

Harding Botaniko ng Napoles

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Harding Botaniko sa Napoles.

Ang Harding Botaniko ng Napoles, Italya (Italyano : Orto botanico di Napoli, o Real Orto Botanico) ay isang pasilidad ng pananaliksik ng Unibersidad ng Napoles Federico II.

Ang lugar ay umaabot ng humigit-kumulang 15 ektarya at matatagpuan sa via Foria, katabi ng napakalaking lumang Albergo dei Poveri, ang Maharlikang Ospisyo para sa Mahihirap sa ilalim ng dinastiyang Borbon. Ang pasilidad ay bahagi ng Kagawaran ng Likas na Agham ng unibersidad. Isa ito sa maraming pasilidad na pang-agham at pang-edukasyon na itinatag sa ilalim ng pamumuno ng Pranses sa Napoles (1806–15). Binuksan ang Hardin noong 1810.

[baguhin | baguhin ang wikitext]