Pumunta sa nilalaman

Harpia harpyja

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Harpy eagle)


Harpia harpyja
Klasipikasyong pang-agham
Dominyo:
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
Harpia harpija

Ang Harpia harpyja (Ingles: harpy eagle, lit. na 'agilang arpiya') ay isang neotropikal na espesye ng agila mula sa pamilyang Accipitridae. Tinagurian din itong agilang arpiya ng Amerika upang mapaiba ito sa agila ng Papua, na tinatawag ding agilang arpiya ng Nuweba Ginea o agilang arpiya ng Papua.[1] Ito ang pinakamalaking modernong lumilipad na ibon at pangalawa sa laki lamang sa patay na agila ni Haast. Ang pangalang ito ay ibinigay para sa pagkakahawig sa isang gawa-gawang nilalang na tinatawag na Arpia. Ang ibon ay naninirahan sa Timog Amerika mula Mehiko hanggang Arhentina, nakatira sa kagubatan ng Amazon. Pinapakain nito ang mga folivora, oposum, capuchin monkey, at mga ibon tulad ng ara, gokko, toukans, atbp.

Unang inilarawan ang Harpia harpyja ni Carl Linnaeus sa kanyang kilalang ika-10 edisyon ng Systema Naturae noong 1758 sa pangalang Vultur harpyja,[2] mula sa arpiya, isang mitolohikong halimaw. Ngayon, ito ang tanging espesye sa genus Harpia na ipinakilala noong 1816 ng ornitolohistang Pranses na si Louis Pierre Vieillot.[3][4] Kabilang sa mga malapit na kamag-anak ng Harpia harpyja ang agilang krestado (Morphnus guianensis), agila ng Papua (Harpyopsis novaeguineae) at lawing paniki (Macheiramphus alcinus). Bumubuo ang apat sa subpamilyang Harpiinae sa loob ng malaking pamilyang Accipitridae. Dating inakala na malapit na kamag-anak ng haribon, ipinakita ng pagsusuri ng DNA na iba ang lugar ng haribon sa pamilyang raptor, dahil malapit ang kaugnayan nito sa Circaetinae.[5]

Nanggaling ang espesipikong pangalan harpyja mula sa Sinaunang Griyegong harpyia (ἅρπυια). Tumutukoy ito sa mga arpiya sa mitolohiya ng mga Sinaunang Griyego. Ito ay mga espiritu ng hangin na naglipad ng mga patay patungo sa Hades o Tartarus, na sinasabing may mababang katawan at kuko ng raptor at ang ulo ng babae, na kasintangkad ng matangkad na bata hanggang matandang lalaki. Sa ilang paglalarawan, malaagila ang katawan ng halimbaw na may nakalantad na mga suso ng matandang babae, malapad na pakpak at ulo ng kakatwa, talas-ngiping, mutanteng agila—na mas kahawig sa tiyanak na may pakpak.[6]

Ang haba ng katawan ng agila na ito ay 90-110 cm. Ito ay ipinaliwanag sa pamamagitan ng katotohanan na ang harpia ay nangangaso sa isang siksik na kagubatan, kung saan kapag umaatake sa biktima ay kinakailangan na magmaniobra sa pagitan ng mga puno at siksik na mga dahon. Ang mga harpia ay katulad ng mga lawin, mas malaki lamang. Ang babae ay tumitimbang ng 6-9 kg, ang lalaki ay 4-7 kg. Ang mga ibong ito ay may malalaki at malalakas na mga paa na may napakahabang 10-sentimetro na mga kuko, kung saan maaaring makuha ng harpy ang malaking biktima.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Tingay, Ruth E.; Katzner, Todd E. (23 Pebrero 2011). Rt-Eagle Watchers Z (sa wikang Ingles). Cornell University Press. pp. 167–. ISBN 978-0-8014-5814-9. Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Hunyo 2014. Nakuha noong 22 Oktubre 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Linnaeus, C (1758). Systema naturae per regna tria naturae, secundum classes, ordines, genera, species, cum characteribus, differentiis, synonymis, locis. Tomus I. Editio decima, reformata (sa wikang Latin). Bol. v.1. Holmiae. (Laurentii Salvii). p. 86. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-11-25. Nakuha noong 2024-04-03. V. occipite subcristato.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Vieillot, Louis Pierre (1816). Analyse d'une Nouvelle Ornithologie Élémentaire (sa wikang Pranses). Paris: Deterville/self. p. 24.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Mayr, Ernst; Cottrell, G. William, mga pat. (1979). Check-List of Birds of the World [Tseklis ng Mga Ibon ng Mundo] (sa wikang Ingles). Bol. 1 (ika-2nd (na) edisyon). Cambridge, Massachusetts: Museum of Comparative Zoology. p. 376. Inarkibo mula sa orihinal noong 2023-12-08. Nakuha noong 2024-04-03.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Lerner, Heather R. L.; Mindell, David P. (Nobyembre 2005). "Phylogeny of eagles, Old World vultures, and other Accipitridae based on nuclear and mitochondrial DNA" [Pilohenya ng mga agila, buwitre ng Lumang Mundo, at iba pang Accipitridae batay sa DNA ng nukleyo at mitokondriya] (PDF). Molecular Phylogenetics and Evolution (sa wikang Ingles). 37 (2): 327–346. Bibcode:2005MolPE..37..327L. doi:10.1016/j.ympev.2005.04.010. PMID 15925523. Inarkibo (PDF) mula sa orihinal noong 6 Hunyo 2011. Nakuha noong 31 Mayo 2011.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Piper, Ross (2007). Extraordinary Animals: An Encyclopedia of Curious and Unusual Animals [Mga Pambihirang Hayop: Isang Ensiklopedya ng Nakakausisa at Di-pangkaraniwang Hayop] (sa wikang Ingles). Greenwood Publishing Group. p. 89. ISBN 978-0-313-33922-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)