Harry Potter
| |
May-akda | J. K. Rowling |
---|---|
Bansa | United Kingdom |
Wika | Ingles |
Uri | Pantasya, dula, kabataang katha, misteryong katha, thriller, Bildungsroman |
Tagalathala | Bloomsbury Publishing (UK) Arthur A. Levine Books (US) Little, Brown (UK) |
Inilathala | 26 Hunyo 1997 – 21 Hulyo 2007(initial publication) |
Uri ng midya | Print (hardback & paperback) Audiobook E-book (magmula noong 2012[update])[1] |
Bilang ng mga aklat | 7 |
Paalala: Ang mga salinwika ng pamagat ng mga nobela sa wikang Filipino o Tagalog ay hindi tunay, tiyak, o tumpak na pagsasalinwika!Ito ay mga malalapit na salinwika lamang ng orihinal na nobela sa wikang Inggles.
Ang Harry Potter ay isang serye ng pitong nobelang pantasya na sinulat ng isang Briton na may-akda na si J.K. Rowling. Ang serye ay sinasalaysay ang pakikipagsapalaran ng isang batang salamangkero, si Harry Potter, ang tituladong tauhan, at ang kanyang mga kaibigang sina Ron Weasley at Hermione Granger, na lahat silang mga mag-aaral sa Hogwarts Paaralan ng Panggagaway at Pagsasalamangka. Ang pangunahing arko ng kuwento ay tumutukoy sa pithaya ni Harry upang magtagumpay sa Madilim na salamangkerong si Panginoong Voldemort, na siyang naglalayong maging imortal, lupigin ang salamangkang mundo, supilin ang 'di-mahikong mga tao, at sirain ang lahat ng siyang hahadlang sa kanyang daraanan, lalo na si Harry Potter.
Simula nang ilabas ang unang nobela, ang Harry Potter at ang Bato ng Pilosopo o higit na kilala sa wikang Inggles bilang Harry Potter and the Philosopher's Stone (muling pinamagatang Harry Potter at ang Bato ng Salamangkero o sa wikang Inggles na Harry Potter and the Sorcerer's Stone sa Nagkakaisang mga Estado o Estados Unidos) noong 1997, ang aklat na ito ay umani ng sobrang katanyagan at tagumpay sa buong mundo, sa pelikula, mga larong pang-video o video games, at marami pang iba. Ang anim na libro ay tinatayang nakabenta ng 300 milyong sipi[2][3] at nasalin sa mahigit 63 wika.[4]
Malaking bahagi ng kuwento ay naganap sa Hogwarts Paaralan ng Panggagaway at Pagsasalamangka (malapit na salinwika sa Filipino, ngunit hindi tumpak) o higit na kilala sa wikang Inggles bilang Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry (tanyag na salinwika), at nakalaan sa paglaban ni Harry Potter laban sa masamang salamangkero na si Panginoong Voldemort o sa Inggles na Lord Voldemort.
Ang lahat ng pitong aklat ay nalathala na, ang ika-pito, ang Harry Potter at ang mga Nakamamatay na Banal o sa Inggles na Harry Potter and the Deathly Hallows, ay inilabas noong 21 Hulyo 2007.[5]
Ang pitong aklat ay naging matagumpay sa pelikula na ginawa ng Warner Bros. Ang panghuli, Harry Potter at ang mga Nakamamatay na Banal Bahagi 2 o Harry Potter and the Deathly Hallows Part 2, ay pinalabas noong ika-15 ng Hulyo, 2011.
Pinagmulan at Kasaysayan ng Pagkakalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1990, si J. K. Rowling ay nasa isang mataong tren galing Manchester patungong Londres ng pumasok sa isip nito ang tungkol kay Harry. Sinulat niya sa serbilyeta ang kanyang mga naisip para lagi niya itong maalala. Sinabi ni Rowling ang kanyang karanasan sa kanyang lugar pangweb o websayt na nagsasabing:
"I had been writing almost continuously since the age of six but I had never been so excited about an idea before. [...] I simply sat and thought, for four (delayed train) hours, and all the details bubbled up in my brain, and this scrawny, black-haired, bespectacled boy who didn't know he was a wizard became more and more real to me".[6]
Noong gabing iyon, ang may-akdang ito ay nagsimulang magsulat sa kanyang pinakaunang nobela, Harry Potter at ang Bato ng Pilosopo o Harry Potter and the Philosopher's Stone, isang di-gaanong detalyadong plano na kakasama sa mga mangyayari sa bawat isa sa kanyang pitong aklat, karagdagan sa isang malaking bilang ng talambuhay at pangkasaysayang impormasyon sa kanyang tauhan o characters at sansinukob o universe.[7]
Sa loob ng anim na taong nagdaan, kasama na ang pagkakasilang sa una niyang anak, pagkakadiborsiyo o pagkakahiwalay sa kanyang unang asawa, at ang paglipat sa Portugal, si Rowling ay pinagpatuloy ang pagsusulat ng Bato ng Pilosopo o Philosopher's Stone.[8] Pagkatapos ay nanatili sa Edimburgo o Edinburgh, sinulat ni Rowling ang karamihan ng Bato ng Pilosopo o Philosopher's Stone sa mga lokal na kapeteriya o cafés. Dahil hindi siya makakuha ng lugar sa silid-pambata o nursery, kadalasang kasama niya ang kanyang anak habang siya'y nagtatrabaho.
Noong 1996, ang Harry Potter at ang Bato ng Pilosopo o Harry Potter and the Philosopher's Stone ay natapos at ang manuskrito o sinulat pangkamay o sa Inggles na manuscript ay ipinadala sa mga mga kinatawan o mga ahente o agents. Ang ikalawang ahente o kinatawang sinubukan niya ay si Christopher Little, at sinabi na siya ang magrerepresenta nito at magpapadala ng sinulat pangkamay o manuskrito o sa Inggles na manuscript sa Bloomsbury. Pagkatapos ng walong iba pang tagalathala na tumanggi sa Bato ng Pilosopo o Philosopher's Stone, ang Bloomsbury ay nagbigay ng paunang bayad kay Rowling ng £3,000 para sa pagpapalathala ng Bato ng Pilosopo o Philosopher's Stone.[9]
Kahit na sinabi ni Rowling na wala siyang partikular na pangkat ng gulang o age group sa kanyang isip nang simulan niyang isulat ang aklat ng Harry Potter, ang taga-lathala nito ay inumpisahang tudlaan o targetin ang mga batang nasa taong siyam hanggang labing-isa.[10]
Noong hatinggabi ng paglalathala, sinabi kay Joanne Rowling ng tagalathala na gumawa ng higit na neutral na kasarian na pangalan ng panulat o pen name, upang magkaroon din ng pang-akit o pamanhik sa mga kalalakihan ng pangkat ng gulang na ito, na pinangangambahan na baka hindi sila maging interesado sa pagbabasa ng nobela na isinulat ng isang babae. Sinabi niya na gamitin ang J. K. Rowling (Joanne Kathleen Rowling), inalis niya ang unang pangalan niya, at ginamit ang pangalan ng lola niya bilang pangalawang pangalan.[11]
Ang unang aklat ng Harry Potter ay inilathala sa Nagkaisang mga Kaharian o Reyno Unido o sa Inggles na United Kingdom ng Paglimbagan ng Bloomsbury o Bloomsbury Publishing noong Hulyo 1997 at sa Nagkaisang mga Estado o Estados Unidos ng Pampaaralang Samahan o Eskolastikong Korporasyon o sa Inggles na Scholastic Corporation noong Setyembre 1998. Pinangangambahan na baka hindi maunawaan ng mga mambabasa nito sa Nagkaisang mga Estado o Estados Unidos ang salitang "philosopher" o "pilosopo" sa Filipino, o baka hindi mailarawan bilang isang paksa o temang may mahika, kaya pinangalanang itong Harry Potter at ang Bato ng Salamangkero sa wikang Filipino o sa wikang Inggles naHarry Potter and the Sorcerer's Stone sa Amerika.[12]
Natamasa ng Harry Potter ang tagumpay dahil bahagi nito ang positibong mga sipi, ang estratehiya ng tagalathala ni Rowling, kundi pati ng mga sabi-sabi ng mga karaniwang bumabasa nito, lalo na ang kalalakihan. Ang huli ay mas napansin, dahil sa mga nakalipas na taon, ang pagiging interesado sa panitikan ay nagpaiwan sa pagiging interesado sa mga larong pang-video o video games at internet.[13] Ang seryeng ito ay nakakuha rin ng mga panatiko o tagahangang matatanda, kaya nagpasimula ng dalawang edisyon kada isang aklat ang Harry Potter, magkatulad sa nilalaman ngunit magkaiba sa balot o pabalat upang makuha ang panlasa ng mga bata at pati ng matatanda.[14] Higit pa dito ang serye ay sikat sa buong daigdig dahil sa dami ng salin nito sa iba't ibang wika.[14]
Kuwento
[baguhin | baguhin ang wikitext]Buod ng mga Pangyayari
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang kuwento ay nagbukas sa isang pagdiriwang na kadalasang palihim dahil sa ang mga nagdaang taon ay laging ginugulo ni Panginoong Voldemort o Lord Voldemort (Ralph Fiennes). Bago ang gabing iyon, natuklasan ni Voldemort ang pinagtataguan ng tagong mag-anak ng Potter, at pinatay sina Lily at James Potter. Ngunit nang itinuro na niya ang kanyang barita o wand sa sanggol nitong anak na si Harry (Daniel Radcliffe), ang sumpang patayin ito ay bumalik sa kanya. Ang kanyang katawan ay nasira, at si Voldemort ay naging isang walang kapangyarihang kaluluwa, naghahanap ng isang lugar sa mundo na walang makaka-istorbo; Si Harry naman, ay naiwang may marka ng kidlat sa kanyang noo, ang natatanging palatandaan ng sumpa ni Voldemort. Ang misteryoso o mahiwagang pagkakatalo ni Voldemort kay Harry ay nagresulta sa pagkakakilala sa sanggol bilang "ang batang lalaki na siyang nabuhay" o "the boy who lived" sa mundo ng mga salamangkero/mahikero/mago o lalaking manggagaway, o wizard sa Ingles.
Ang ulilang si Harry Potter ay sumunod na pinalaki ng kanyang malupit, at walang salamangka o mahikang kapangyarihang kamag-anak, ang Pamilyang Dursleys o Dursleys Family, na walang pakialam sa pinagmulan ng mahika at sa hinaharap ni Harry. Subalit, sa paparating na ika-labingisa niyang kaarawan, Nagkaroon si Harry ng kanyang unang pagkakaalam sa daigdig ng mahika nang makatanggap siya ng sulat galing sa Hogwarts Paaralan ng Pansasalamangkera at Pansasalamangkero o Hogwarts School of Witchcraft and Wizardry, na kinuha naman ng kanyang Tiya at Tiyo bago pa niya ito magawang mabasa, Sa kanyang ika-labingisang kaarawan, siya ay sinabihan na siya ay isang mago o salamangkero, o wizard sa Inggles at inaanyayahan na pumunta sa Hogwarts upang doon mag-aral paano kontrolin ang mahika. Sinabihan at sibayan siya ni Hagrid, at kanyang natutunan ang paggamit ng mahika at paggawa ng gayumamaliban sa paglipag gamit ng walis tingting, pagbabagong-anyo o transpigurasyon, at iba pang mga araling pangmahika tulad ng pag-aalaga ng mga mahikong nilalang, panghuhula, panghahalamang-mahika o herbolohiya, pagtatanggol mula sa madilim na sining at iba pa sa kanyang mga dalabguro o propesor, kasabay ng mga pagsubok at trahedya na kanyang pinagdaanan at nilagpasan sa bawat kuwento ng nobela at kapiling ng kanyang mga kaibigan at iba pang tauhan. Nagkaroon rin ng ideya si Harry tungkol sa kanyang mga magulang , na laging naka gabay sa kanya kahit sumakabilang buhay na. Si Harry din ay natututong malampasan ang mga mahikal, panlipunan at emosyonal na hadlang sa kanya sa paglaban niya hanggang sa kanyang pagbibinata at pag-angat ng kapangyarihan ni Voldemort at hanggang sa kanilang huling pagtutuos.
Madami man ang nangyari kay Harry sa simula, nalagpasan niya ito sa tulong ng kanyang mga kaibigan na sina Ron (Rupert Grint) at Hermione (Emma Watson). Katulong din niya si Propesor/Dalubgurong Dumbledore o Professor Dumbledore na laging nariyang nagbibigay ng payo at paalala sa kanya. Ang mga nobela ay may iba't ibang paksa ngunit ang ayon sa manunulat nito, ang pangunahing paksa ay kamatayan. Ang kakayahang umibig at magmahal sa kabila ng pagtutuos sa kamatayan.
Ang Pitong Mga Nobela
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Harry Potter and the Philosopher's Stone (Reyno Unido/Gran Britanya/Nagkakaisang Kaharian)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang Bato ng Pilosopo)
Harry Potter and the Sorcerer's Stone (Estados Unidos/Nagkakaisang mga Estado)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang Bato ng Salamangkero)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang Kamara ng mga Lihim/Sikreto)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang Bilanggo/Preso ng Azkaban)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang Kopa/Kopita ng Apoy)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang Kapatiran/Samahan/Kautusan ng Peniks)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang Mestiso/Hating-dugo/Hating-lahi/Halong-lahing Prinsipe)
(Literal ngunit hindi tumpak na salinwika sa Filipino: Si Harry Potter at ang mga Nakamamatay/Nakakamatay na Banal/Santo/Pinabanal/Sagrado)
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Peter Svensson (27 Marso 2012). "Harry Potter breaks e-book lockdown". Yahoo. Nakuha noong 29 Hulyo 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "J.K. Rowling" Naka-arkibo 2007-09-30 sa Wayback Machine.. Accessed 23 Marso 2006.
- ↑ "J.K. Rowling". Forbes.
- ↑ "Wizard Revisited". Sunday Tribune. 19 Hunyo 2005.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Final 'Potter' launch on Hulyo 21". CNN. 2007-02-01. Nakuha noong 2007-02-12.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "J.K. Rowling interview transcript, The Connection". Quick Quote Quill. 12 Oktubre 1999.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Barnes & Noble.com". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-03-11. Nakuha noong 2007-02-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lawless, John. "Nigel Newton". BusinessWeek Online. Nakuha noong 2006-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Kids' Reads". Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-12-24. Nakuha noong 2007-02-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Savill, Richard. "Harry Potter and the mystery of J.K.'s lost initial". The Daily Telegraph. Nakuha noong 2006-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ eToys interview transcript. "eToys interview transcript". Quick Quotes Quill. Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-09-08. Nakuha noong 2006-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Books' Hero Wins Young Minds". New York Times. 12 Hulyo 1999.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 14.0 14.1 "OOTP is best seller in France - in English!". BBC. 1 Hulyo 2003.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)