Pumunta sa nilalaman

Hasu Yajnik

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Hasmukhray Vrajlal Yajnik (Pebrero 12, 1938 – Disyembre 10, Disyembre), na mas kilala bilang Hasu Yajnik, na binabaybay din na Hasu Yagnik ay isang nobelista ng wikang Gujarati sa India, manunulat ng maikling kuwento, kritiko, editor, folklorista, at manunulat pambata. Ipinanganak at nag-aral sa Rajkot, nagsilbi siya bilang isang propesor ng Gujarati sa iba't ibang kolehiyo ng gobyerno sa Gujarat. Nakasulat siya ng dalawampung nobela, tatlong koleksiyon ng maikling kuwento, dalawang kuwento sa bilangguan, apat na koleksiyon ng kwentong medyebal, kritisismo sa apat na akda sa medyebal, at namatnugot ng labindalawang akdang-pambayan at anim na akda ng panitikang pambata.

Si Yagnik ay ipinanganak noong Pebrero 12, 1938 sa Rajkot (ngayon sa Gujarat) kina Vrajlal Yajnik at Pushpaben (Prasannaben). Siya ang kanilang ikawalong anak.[1] Ang kaniyang ama ay klerk sa Britanikong Ahensiya sa Rajkot habang ang kaniyang lolo na si Govindalal ay isang survey officer sa Estado ng Palitana. Siya ay pinalaki ng kaniyang lolo at labis na naimpluwensiyahan niya.[kailangan ng sanggunian] Natapos niya ang kaniyang edukasyon sa elementarya at sekondarya mula sa Rajkot. Mula 1950 hanggang 1954, nag-aral siya sa Dhrangadhra.[kailangan ng sanggunian] Natapos niya ang BA noong 1960 at MA sa Gujarati-Sanskrit noong 1962 mula sa Kolehiyong Pansining ng Dharmendrasinhji sa Rajkot. Nakatanggap siya ng PhD para sa kanyang tesis sa Madhyakalin Gujarati Kamkatha noong 1972.[1]

Pagkatapos ng MA, sumali siya sa Kolehiyo MP Shah sa Surendranagar bilang isang propesor ng Gujarati noong 1963. Lumipat siya sa MN College sa Visnagar noong 1964 at kalaunan ay sumali sa Kolehiyo ng Gujarat sa Ahmedabad noong 1965 at nagsilbi doon hanggang 1973. Naglingkod din siya bilang isang propesor sa Kolehiyo DKB sa Jamnagar mula 1965 hanggang 1979. Pagkatapos ay lumipat siya sa Kolehiyo MP Shah sa Surendranagar noong 1979 hanggang 1982.[kailangan ng sanggunian] Naglingkod siya bilang registrar ng Gujarat Sahitya Akademi, Gandhinagar mula 1982 hanggang 1996 at nagretiro.[1][2] Siya ay isang tagapagtatag at tagapangasiwa ng Meghani Lokvidya Sanshodhan Bhavan, Ahmedabad mula 1996 hanggang 2005.[kailangan ng sanggunian]

Namatay siya noong Disyembre 10, 2020 sa Ahmedabad dahil sa COVID-19.[3][4]

Sumulat si Yajnik sa ilalim ng iba't ibang pangalan ng panulat: Upamanyu, Pushpadhanva, B. Kashyap, Vajranandan Jani, at Shridhar. Nakasulat siya ng dalawampung nobela, tatlong koleksiyon ng maikling kwento, dalawang kuwento sa bilangguan, apat na kuwentong medyebal, kritisismo sa apat na akda sa medyebal, namatnugot sa labindalawang akdang-pambayan at anim na akda ng panitikang pambata.[kailangan ng sanggunian] Ang kaniyang unang maikling kuwento na "Lapsi" ay inilathala noong 1954.[kailangan ng sanggunian]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Kanijiya, Baldevbhai (Abril 2003). Thaker, Dhirubhai (pat.). ગુજરાતી વિશ્વકોશ [Gujarati Encyclopaedia] (sa wikang Gujarati). Bol. XVII. Ahmedabad: Gujarati Vishwakosh Trust, Ahmedabad. pp. 77–78. OCLC 551875907.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Bardi, Pietro (2002). Indian Folklore Research Journal (sa wikang Ingles). National Folklore Support Centre. p. 78. Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2020. Nakuha noong 16 Agosto 2019.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Pandya, Pravin (11 Disyembre 2020). "સાહેબની વિદાય". Opinion Magazine (sa wikang Gujarati). Inarkibo mula sa orihinal noong 14 Disyembre 2020. Nakuha noong 13 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "વાર્તાકાર.નવલકથાકાર,વિવેચક,લોકસાહિત્યકાર,મધ્યકાલીન સાહિત્ય,આદિવાસી સાહિત્યના સર્જક હસુ યાજ્ઞિકનું 83 વર્ષની વયે દુઃખદ અવસાન". Tej Gujarati (sa wikang Gujarati). 2020-12-11. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-03-03. Nakuha noong 2020-12-15.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)