Gujarat
Gujarat | ||
---|---|---|
Pakanang ikot mula itaas: Mataas na Hukuman ng Gujarat, Dwarka, Laxmi Vilas, Kankaria, Gandhi Ashram, Salt Desert ng Kutch. | ||
| ||
Kinaroroonan ng Gujarat (kulay pula) sa India | ||
Mapa ng Gujarat | ||
Mga koordinado (Gandhinagar): 23°13′N 72°41′E / 23.217°N 72.683°E | ||
Bansa | India | |
Itinatag | Mayo 1, 1960 | |
Kabisera | Gandhinagar | |
Distrito | 33 | |
Pamahalaan | ||
• Gobernador | Om Prakash Kohli | |
• Pangunahing Ministro | Anandiben Patel | |
• Lehislatura | Unicameral (182 puwesto) | |
• Parliamentary constituency | 26 (SC-2,ST-4) | |
• Mataas ng Hukuman | Gujarat High Court | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 196,024 km2 (75,685 milya kuwadrado) | |
Ranggo sa lawak | ika-6 | |
Populasyon (2011) | ||
• Kabuuan | 60,439,692 | |
• Ranggo | ika-9 | |
• Kapal | 310/km2 (800/milya kuwadrado) | |
Demonym | Gujarati | |
Wika | ||
• Wikang opisyal | Gujarati & Sindhi | |
• Mga wikang sinasalita (Alpabetikong pagkakasunod) | Ingles, Hindi, Kutchi, Marathi, Marwari, Sindhi, Urdu[1] | |
Sona ng oras | UTC+05:30 (IST) | |
Kodigo ng ISO 3166 | IN-GJ | |
HDI | 0.527[2] (medium) | |
Ranggo ng HDI | ika-11 (2011) | |
Literacy | 80.18% | |
Websayt | gujaratindia.com |
Ang Gujarat ( /ˌɡʊdʒəˈrɑːt/ Gujǎrāt [ˈɡudʒ(ə)ɾaːt̪] ( pakinggan)) ay isang estado sa kanlurang bahagi ng India.[3][4][5] Lokal itong tinatawag na Jewel of the West.[6] May lawak itong 196,024 km² at may baybayin na 1,600 km, na halos lahat ay nasa tangway ng Kathiawar, at may populasyong 60 million. Kahangganan ng estado ang Rajasthan sa hilaga, Maharashtra sa timog, Madhya Pradesh sa silangan, at Dagat Arabiano at pati na rin ng Sindh (lalawigan ng Pakistan) sa kanluran. Gandhinagar ang kabisera ng Gujarat habang ang pinakamalaking lungsod nito ay Ahmedabad. Katutubo sa estado ang wikang Gujarati.
Nasasakupan ng estado ang mga pangunahing pook ng sinaunang Kabihasnan ng Lambak ng Indus, gaya ng Lothal at Dholavira. Pinaniniwalaang isa sa unang pantalan sa buong daigdig ang Lothal. Ang mga lungsod sa baybayin ng Gujarat, lalo na ang Bharuch at Khambhat, ay nagsilbing pantalan at sentro ng kalakalan noong imperyo ng Maurya at Gupta, at noong paghalili ng dinastiyang Saka noong simula ng panahon ng Western Satraps, kung saan sakop ng teritoryo nito ang Saurashtra at Malwa: na ngayo'y mga estado na ng Gujarat, South Sindh, Rajasthan, Maharashtra at Madhya Pradesh.
Kilalá ang Gujarat ng mga Sinaunang Griyego, ang iba't-ibang Imperyong Persiano, Republikang Romano at pamilyar dito ang ibang sentro ng Kanluraning kabihasnan hanggang sa pagtatapos ng Gitnang Panahon sa Europa. Ang pinakamatandang talâ ng panunulat patungkol sa 2,000 taong kasaysayang pandagat ng Gujarat ay dokumentado sa Griyegong aklat na 'The Periplus of the Erythraean Sea: Travel and Trade in the Indian Ocean by a Merchant of the First Century'.[7][8]
Si Mahatma Gandhi, na nanguna sa kilusan para sa kalayaan ng India laban sa pananakop ng mga Briton, ay taga-Gujarat.[9] Si Muhammad Ali Jinnah, na ipinagpipitagan sa Pakistan bilang Quaid-i-Azam (Dakilang Pinuno), Baba-i-Qaum (Ama ng Bayan), at unang gobernador-heneral ng Pakistan ay mula sa Muslim na pamilya sa Rajikot sa Gujarat. Si Sardar Vallabhbhai Pate, ang tinaguriang "Iron Man ng India", na unang diputadong Punong Ministro ng malayang India ay mula sa Karamsad, Gujarat. Nagmula rin sa Gujarat ang dalawang naging punong ministro ng India Morarji Desai (1977–1979) at ang kasalukuyang si Narendra Modi.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ http://www.languageinindia.com/sep2003/urduingujarat.html
- ↑ List of Indian states and territories by Human Development Index
- ↑ WINGS Birding Tours to India: the West – Gujarat and the Rann of Kutch – Itinerary Naka-arkibo 2013-07-30 sa Wayback Machine.. Wingsbirds.com (14 December 2011). Retrieved on 28 July 2013.
- ↑ Gujarat State Portal | All About Gujarat | History Naka-arkibo 2010-02-03 sa Wayback Machine.. Gujaratindia.com. Retrieved on 28 July 2013.
- ↑ http://www.ias.ac.in/jbiosci/nov2001/491.pdf
- ↑ S. C. Bhatt, Gopal K. Bhargava (2006). S. C. Bhatt, Gopal K. Bhargava (pat.). Land and People of Indian States and Union Territories: In 36 Volumes. Gujarat, Volume 8. Gyan Publishing House. p. 423. ISBN 978-81-7835-364-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Vashi, Ashish (Okt 21, 2010). "Saga of Barygaza". The Times of India. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-21. Nakuha noong 30 Setyembre 2013.
The book describes an episode of a foreigner bringing costly gifts for kings, saying, "And for the King there are very costly vessels of silver, singing boys, beautiful maidens for the harem, fine wines, thin clothing of the finest weaves, and the choicest ointments.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ William H. Schoff (1912). "The Periplus of the Erythraean Sea: Travel and Trade in the Indian Ocean by a Merchant of the First Century" (digitalized). New York. Nakuha noong 1 Oktubre 2013.
As a sign of these places to those approaching from the sea there are serpents, very large and black; for at the other places on this coast and around Barygaza, they are smaller, and in color bright green, running into gold...Now the whole country of India has very many rivers, and very great ebb and flow of the tides; increasing at the new moon, and at the full moon for three days, and falling off during the intervening days of the moon. But about Barygaza it is much greater, so that the bottom is suddenly seen, and now parts of the dry land are sea, and now it is dry where ships were sailing just before; and the rivers, under the inrush of the flood tide, when the whole force of the sea is directed against them, are driven upwards more strongly against their natural current, for many stadia.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Modern Gujarat". Mapsofindia.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Mayo 2010. Nakuha noong 16 Hulyo 2010.
{{cite web}}
:|archive-date=
/|archive-url=
timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)