Maharashtra

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Maharashtra
महाराष्ट्र  (Marathi)
Estado ng India
Seal of Maharastra
Sagisag
Kinaroroonan ng Maharashtra (kulay pula) sa India
Kinaroroonan ng Maharashtra (kulay pula) sa India
Mapa ng Maharashtra
Mapa ng Maharashtra
Mga koordinato (Mumbai): 18°58′N 72°49′E / 18.96°N 72.82°E / 18.96; 72.82Mga koordinato: 18°58′N 72°49′E / 18.96°N 72.82°E / 18.96; 72.82
Bansa  India
Rehiyon Kanlurang India
Itinatag Mayo 1, 1960
Kabisera Mumbai
Pinakamalaking lungsod Mumbai
Distrito 36
Pamahalaan
 • Konseho Pamahalaan
 • Gobernador Ch. Vidyasagar Rao
 • Pangunahing Ministo Prithviraj Chavan (INC)
 • Lehislatura Bicameral
(288 + 78 puwesto)
 • Parliamentary constituency 48
 • Mataas na Hukuman Mumbai High Court
Lawak
 • Kabuuan 307,713 km2 (118,809 sq mi)
Ranggo sa lawak ika-3
Populasyon (2011)[1]
 • Kabuuan 112,372,972
 • Ranggo ika-2
 • Kapal 370/km2 (950/sq mi)
Sona ng oras IST (UTC+05:30)
ISO 3166 code IN-MH
HDI Increase 0.689 (medium)
Ranggo ng HDI ika-12 (2005)
Literacy 82.9% (ika-6)
Ratio ng kasarian 925 /1000 (2011)[2]
Wikang opisyal Marathi[3]
Websayt Maharashtra

Ang Maharashtra (/ma·ha·rash·tra/) ay isang estado sa kanlurang rehiyon ng India. May mahigit sa 110 milyong katao ang naninirahan dito kasama ang 15.2 milyon katao sa kabisera nitong Mumbai. Ang Mumbai naman ang sentro ng pananalapi ng India at dito matatagpuan ang mga punong-tanggapan ng mga pangunahing bangko, institusyong pampananalapi, at kompanya ng seguro sa bansa. Nakabase rin sa estado ang industriya ng pelikulang Hindi, Bollywood, at industriya ng pelikula at telebisyong Marathi. Patuloy na umaakit ng mga migrante mula sa iba't-ibang bahagi ng India ang Maharashtra dahil sa mga oportunidad nito sa pagnenegosyo at ang potensiyal na ibinibigay nito upang magkaroon ng higit na mataas na antas ng pamumuhay.

Kasama sa mga sinauna at medyebal na imperyo ng Maharashtra ang Dinastiyang Satavahana, Imperyo ng Western Chalukya, Imperyong Mughal at Imperyong Maratha. May lakíng 307,713 km², ito ay pinalilibutan ng Dagat Arabiano sa kanluran, at ng mga estado ng Karnataka, Telangana, Goa, Gujarat, Chhattisgarh, Madhya Pradesh at ang Union territory ng Dadra and Nagar Haveli. Ang mga pangunahing ilog sa estado ay ang Godavari, Krishna, Narmada at Tapti. Maraming destinasyong makasaysayan, likas, at relihiyo ang pinupuntahan ng mga turista sa Maharashtra gaya ng Pandharpur, Hazur Sahib Nanded, Shegaon, Shirdi, Mahabaleshwar, Satara, Nanded, Nagpur, Chikhaldara at Panhala. Ang lupain ng estado ay hindi angkop sa agrikultura na siyang nagtutulak sa mga tao sa kanayunan nito na magtungo sa mga kalungsuran, kaya naman ang populasyon sa mga lungsod ng Maharashtra ay higit pa sa kahit anong estado ng India. Ito rin ang may pinakamataas na antas ng urbanisasyon sa mga estado ng India. Ilan sa malalaking lungsod nito ay ang Navi Mumbai, Pune, Nagpur, Nashik, Aurangabad, Kolhapur, Thane, Solapur, Amravati, Sangli at Nanded.

Pinakamayaman at pinakamaunlad ang Maharashtra sa mga estado ng India. Nag-aambag ito ng 25 bahagdan sa produksiyong industriyal at 23.3% sa GDP ng bansa noong 2010–2011.[4] Noong ngang 2011, ang per capitang kita ng estado ay INR 1.0035 lakh (US$1,600) higit sa pambansang antas ng kita na INR 0.73 lakh (US$1,200). Sa unang pagkakataon, lumagpas sa INR 1.20 lakh (US$2,000) ang per capitang kita ng Maharashtra noong 2013, at siyang naging pinakamaymang estado ng India. Malaking bahagi ng ekonomiya ng estado ay mula sa sektor ng argrikultura at mga industriya. Ang mga pangunahing industriya produktong kemikal, elektrikal at di-elektrikal na makinarya, tela, petrolyo at mga kaugnay na produkto.


Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]