Rajasthan

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Rajasthan
राजस्थान  (Hindi)
ਰਾਜਸਥਾਨ  (Punjabi)
Estado ng India
Kinaroroonan ng Rajasthan sa India
Kinaroroonan ng Rajasthan sa India
Mapa ng Rajasthan
Mapa ng Rajasthan
Mga koordinato (Jaipur): 26°34′22″N 73°50′20″E / 26.57268°N 73.83902°E / 26.57268; 73.83902Mga koordinato: 26°34′22″N 73°50′20″E / 26.57268°N 73.83902°E / 26.57268; 73.83902
Bansa  India
Itinatag Nobyembre 1, 1956
Kabisera Jaipur
Pinakamalaking lungsod Jaipur
Distrito 33
Pamahalaan
 • Gobernador Kalyan Singh
 • Pangunahing Ministro Vasundhara Raje (BJP)
 • Lehislatura Unicameral (200 puwesto)
 • Parliamentary
 constituency
25
 • Mataas na Hukuman Rajasthan High Court
Lawak
 • Kabuuan 342,239 km2 (132,139 sq mi)
Ranggo sa lawak ika-1
Populasyon (2011)
 • Kabuuan 68,621,012
 • Ranggo ika-8
 • Kapal 201/km2 (520/sq mi)
Sona ng oras IST (UTC+05:30)
ISO 3166 code IN-RJ
HDI Increase 0.637 (medium)
Ranggo sa HDI ika-21 (2005)
Literacy 68% (ika-20)
Wikang opisyal Hindi 
Website rajasthan.gov.in

Rajasthan (literal na "Bayan ng mga Hari" o "Lupain ng mga Kaharian"),[1] ay ang pinakamalaking estado ng India na may lawak na 342,239 km² o 10.4 bahagdan ng kabuuang lawak ng bansa. Matatagpuan ito sa kanlurang bahagi ng bansa, kung saan nasasakupan nito ang malawak at mabagsik na Disyertong Thar (kilala rin na "Disyertong Rajasthan" at "Great Indian Desert") at kahangganan nito ang Pakistan sa may lambak ng kailugang Sutlej-Indus. Sa ibang dakò, kahangganan nito ang iba pang estado ng India: Gujarat sa timog-kanluran; Madhya Pradesh sa timog-silangan; Uttar Pradesh at Haryana sa hilagang-silangan; at Punjab sa hilaga.

Itinatampok nito ang mga guho ng Kabihasnan ng Lambak ng Indus at Kalibanga; ang mga templo ng Dilwara, isang banal na pook ng Jainismo sa Bundok Abu, ang tanging hill station sa estado; at sa silangang Rajasthan, ang Keoladeo National Park malapit sa Bharatpur, isang World Heritage Site[2] na tanyag sa buhay-ibon. Sa Rajasthan din matatagpuan ang dalawang pambansang reserba para sa mga tigre, ang Ranthambore National Park sa Sawai Madhopur at ang Sariska Tiger Reserve sa Alwar.

Itinatag ang estado noong Marso 30, 1949 nang isinanib ang Rajputana—ang pangalang ginamit ng mga British Raj sa mga nasasakupan nito sa rehiyon[3]—sa Dominyon ng India. Jaipur ang kabisera at pinakamalaking lungsod, na matatagpuan sa silangang bahagi ng estado.


Talasanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. Tara Boland-Crewe, David Lea, The Territories and States of India, p. 208.
  2. "World Heritage List". http://whc.unesco.org/en/list/340. 
  3. R.K. Gupta; S.R. Bakshi (1 January 2008). Studies In Indian History: Rajasthan Through The Ages The Heritage Of Rajputs (Set Of 5 Vols.). Sarup & Sons. pp. 143–. ISBN 978-81-7625-841-8. http://books.google.com/books?id=gHNoU2zcDnIC&pg=PA143. Hinango noong 30 October 2012.