Pumunta sa nilalaman

Kabihasnan ng Lambak ng Indo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Indus)

Ang lambak ilog ng Indus at Ganges ay makikita sa Timog Asya. Ang rehiyong ito ay binabantayan ng matatayog na kabundukan sa hilagang kabundukan ng Himalayas at ng Hindu Kush. May ilang daanan o landas sa mga kabundukang ito tulad ng Daanang Khyber na nagsisilbing lagusan ng mga mandaragat, mandarayuhan at mananakop mula sa Kanlurang Asya at Gitnang Asya. Tulad ng Tigris at Euphrates na umaapaw dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas at pagbagsak ng ulan, ang Indus at Ganges ay taunang umaapaw rin dahil sa parehong dahilan. Matapos humupa ang baha ay naiiwan ang bagong deposito ng banlik. Dahil dito, mataba at angkop sa agrikultural na pamumuhay ang kapatagang ito.

Ang Pamayanang Neolitiko Bago ang Indus

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinatayang noong 3500 B.C.E lumitaw ang mga neolitikong pamayanan sa Baluchistan (nasa Pakistan ngayon)na nasa bandang kanluran ng Ilog Indus. Isa sa mga pamayanang ito ay ang Mergarh. batay sa mga nahukay na labi sa Baluchistan, agrikultural at sedentaryo ang pamumuhay ng mga tao rito.May ebidensiya rin ng pag-aalaga ng tupa,kambing, at ox. Nagsimula ang paggawa ng palayok na may pintura at paghurno ng tinapay at paggawa ng cereal. Samantala, ang kanilang mga bahay ay gawa sa ladrilyo mula sa luwad tulad ng sa Sumer 21


Kasaysayan Ang lathalaing ito na tungkol sa Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.