Healing River
Ang Healing River, na nangangahulugang "Nagpapagaling na Ilog" o "Nagbibigay Lunas na Ilog", ay isang awiting pangrelihiyong Kristiyano. Kilala rin ito bilang O Healing River, bagaman Healing River ang talagang tamang pamagat nito.[1]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang pinaniniwalaan ang awiting ito bilang isang kantang nagmula sa mga Aprikanong Amerikano, na sinasabing isang Tradisyonal na Himnong Bautista o Traditional Baptist Hymn sa Ingles sa pamamagitan ng pagkakasama sa aklat ng GIA Publications, Inc. ng mga awiting pangmetodistang Gather (nasa pahina 242). Sa aklat na ito ng GIA ginamit ang areglong pangmusika ni Michael Joncas.[1]
Subalit, kamakailan lamang na natuklasan ni Dean McIntyre na orihinal na naisakomposisyon ni Fran Minkoff ang awiting ito noong 1964, na may musika ni Fred Hellermann.[1]
Kalagayan sa Dominyong Publiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bagaman ginamit sa maraming kaganapang pagsamba ng The Fellowship of United Methodists in Music and Worship Arts (FUMMWA) at ng The General Board of Discipleship, at isinakarapatang-ari noong 1982 batay sa areglong pangmusika ni Michael Joncas sa aklat ng mga awiting Gather ng GIA, nagkaroon na ito ng nauna pang pagkakarapatang-ari noong 1964 ng Appleseed Music, Inc. ng Sanga Music, Inc., na hindi sakop ng mga lisensiya ng CCLI, GIA, o LicenSing.[1]
Panitik
[baguhin | baguhin ang wikitext]Narito ang panitik ng awiting ito:
Ingles
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa orihinal na Ingles:
- O healing river, send down your waters
- Send down your waters upon this land
- O healing river, send down your waters
- And wash the blood from off the sand
- This land is parching, this land is burning
- No seed is growing in the barren grounds
- O healing river, send down your waters
- O healing river, send your waters down
- Let the seed of freedom awake and flourish
- Let the deep roots nourish, let the tall stalks rise
- O healing river, send down your waters
- O healing river, from out of the skies[2]
Tagalog
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagsasalin sa Tagalog:
- O nakapagpapagaling na ilog, ipadalang pababa ang iyong mga tubig
- Ipadalang pababa ang mga tubig mo sa lupaing ito
- O nakapagpapagaling na ilog, ipadalang pababa ang iyong mga tubig
- At hugasan ang dugo magmula sa buhangin
- Natitigang ang lupaing ito, nasusunog ang lupaing ito
- Walang lumalaking buto sa mga lupang tuyo
- O nakapagpapagaling na ilog, ipadalang pababa ang iyong mga tubig
- O nakapagpapagaling na ilog, ipadalang pababa ang iyong mga tubig
- Hayaang gumising ang buto ng kalayaan at pasibulin
- Bayaang manginain ang malalalim na mga ugat, hayaang umangat ang matatayog na mga tangkay
- O nakapagpapagaling na ilog, ipadalang pababa ang iyong mga tubig
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 McIntyre, Dean. "O Healing River" Is Not Public Domain Naka-arkibo 2004-11-15 sa Wayback Machine., General Board of Discipleship, Enero 18, 2002, gbod.org
- ↑ O Healing River, teksto mula sa csinewsletter.com
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Palabas na nagpapakita ng pag-awit ng Healing River, mula sa csinewsletter,com