Pumunta sa nilalaman

Mariah Carey

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hero (awit ni Mariah Carey))
Mariah Carey
Si Mariah Carey sa 2008 Tribeca Film Festival
Si Mariah Carey sa 2008 Tribeca Film Festival
Kabatiran
Pangalan noong ipinanganakMariah Carey
Kapanganakan (1969-03-27) 27 Marso 1969 (edad 55)[1]
Huntington, Long Island, New York, United States
GenreR&B, pop
Trabahomang-aawit, kompositor, record producer, aktres
InstrumentoVoice (Soprano)
Taong aktibo1990-kasalakuyan
LabelColumbia (1989-2000)
Virgin (2001-2002)
Island (2002-kasalukuyan)
Websitewww.mariahcarey.com

Si Mariah Carey ay isang Amerikanong mangaawit, manunulat, prodyuser at aktres. Tinaguriang "Songbird Supreme" ng Guinness World Records, nakilala s'ya dahil sa kanyang malawak na vocal range, paggamit ng melisma, at mahusay na paggamit ng whistle register. Nakilala s'ya noong 1990 matapos ang pagpirma niya ng contrata sa ilalim ng Columbia Records at paglabas ng kanyang unang album na ipinangalan sa kanya. Ang nasabing album ay nanatili sa tuktok ng US Billboard Hot 100 ng labing-isang linggo. Di naglao'y s'ya ang naging una at nagiisang mangaawit na ang unang limang single ay naging pang-una sa US Billboard Hot 100, mula Vision of Love hanggang Emotions.

Pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Mottola noong 1997, ipinakilala ni Carey ang mga elemento ng hip hop sa kanyang mga gawang album, at agad na naging matagumpay, subalit ang kanyang katanyagan ay bumaba nang nilisan niya ang Columbia noong 2001, at siya ay binitawan ng Virgin Records nang sumunod na taon pagkatapos ang labis na napublikong pisikal at emosyunal na breakdown niya, at dahil na rin sa mahinang pagtanggap sa kanyang proyektong pelikula na Glitter. Noong 2002, lumagda si Carey sa Island Records, at pagkatapos ng mga bagsak ng panahon, siya ay bumalik sa musikang pop noong 2005.[2][3]

Pinangalanan si Carey bilang pinakamabentang artistang pop ng milenyo sa 2000 World Music Awards.[4]

Mga impluwensiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinabi ni Carey na simula pa noong bata siya ay naimpluwensiyahan siya nina Billie Holiday, Sarah Vaughan, at ng mga mang-aawit ng R&B na sina Gladys Knight at Aretha Franklin.[5] Ang kanyang musika ay labis na naimpluwensiyahan ng mga musikang pang-simbahan, at ang mga ito ay nakuha niya kanila The Clark Sisters, Shirley Caesar at Edwin Hawkins bilang pinakamaimpluwensiyang mga mang-aawit noong kanyang kapanahunan.[5] Nang inihalo ni Carey ang hip-hop sa kanyang mga musika, may mga haka-hakang na sinusubukan niyang gamitin ang kasikatan ng hiphop, subalit sinabi niya sa Newsweek, "People just don't understand. I grew up with this music" ("Hindi nauunawan ng mga tao. Lumaki ako sa ganitong musika").[6] Nagpakita siya ng paghanga sa mga rapper gaya nina The Sugarhill Gang, Eric B. & Rakim, ang Wu-Tang Clan, The Notorious B.I.G. at Mobb Deep, kung saan nakipagtulungan siya sa single na "The Roof (Back in Time)" (1998).[7]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Recent Births Are Announced". The Long-Islander. Huntington, New York. Abril 10, 1969. p. 2-3. Nakuha noong Pebrero 16, 2021 – sa pamamagitan ni/ng NYS Historic Newspapers. Recent births at Huntington Hospital have been announced as follows ... March 27 Mariah, Mr. and Mrs. Alfred Carey, Huntington{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lamb, Bill. "Mariah Carey- Comeback of the Year". About.com. 4 Hunyo 2005. Hinango noong 12 Marso 2008.
  3. Anderman, Joan. "Cary's On". The Boston Globe. 5 Pebrero 2006. Hinango noong 12 Marso 2008.
  4. "Winners of the World Music Awards". World Music Awards. Mayo 2000. Hinango noong 19 Nobyembre 2006 from the Wayback Machine; "Michael Jackson And Mariah Carey Named Best-Selling Artists Of Millennium At Wkrld Music Awards In Monaco" Naka-arkibo 2010-06-17 sa Wayback Machine.. Jet. 29 Mayo 2000. Hinango noong 19 Nobyembre 2006.
  5. 5.0 5.1 Norent, Lynn (12 Marso 1991). "Not Another White Girl Trying to Sing Black". Ebony. Nakuha noong 19 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Shapiro 2001, p. 124.
  7. Willis, Andrew (18 Nobyembre 1998). "Higher and Higher". Vibe (magazine). Nakuha noong 14 Agosto 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)