Mariah Carey
Mariah Carey | |
---|---|
![]() Si Carey noong 2023 | |
Kabatiran | |
Pangalan noong ipinanganak | Mariah Carey |
Kapanganakan | [1] Huntington, Long Island, New York, Estados Unidos | 27 Marso 1969
Genre | |
Trabaho |
|
Instrumento | Boses |
Taong aktibo | 1988-kasalakuyan |
Label |
|
Asawa |
|
Website | mariahcarey.com |
Si Mariah Carey ( /məˈraɪə/ mə-RY-ə;[2]:0:01 ipinanganak noong Marso 27, 1969) ay isang Amerikanang mang-aawit, manunulat ng kanta, at aktres. Tinaguriang "Songbird Supreme" ng Guinness World Records, kilala si Carey sa kanyang limang-oktabang saklaw ng boses, melismatikong estilo ng pag-awit, natatanging paggamit ng rehistrong sipol, at padibang dating. Bilang isang maimpluwensiyang pigura sa musika, niraranggo siya ng Rolling Stone bilang ikalimang pinakadakilang mang-aawit sa lahat ng panahon noong 2023.
Sumikat si Carey noong 1990 sa pamamagitan ng kanyang debung album na ipinangalan sa kanya at naging kaisa-isang artistang nagpaabot ng unang limang single sa numero unong puwesto ng US Billboard Hot 100 chart, mula sa "Vision of Love" hanggang sa "Emotions". Nakamit niya ang pandaigdigang tagumpay sa pamamagitan ng mga pinakamabentang album na Music Box (1993) at Daydream (1995), bago niya pinili ang isang bagong imahe na may impluwensiyang hip hop, simula sa remix ng "Fantasy" kasama ni Ol' Dirty Bastard, at mas lalo sa Butterfly (1997). Dahil sa labing-isang magkakasunod na taon na may nangungunang awitin sa Estados Unidos, itinanghal si Carey ng Billboard bilang Artista ng Dekada. Matapos ang kabiguan ng kanyang pelikulang Glitter (2001) at isang pansamantalang paghina ng kanyang karera, bumalik siya sa tagumpay sa pamamagitan ng The Emancipation of Mimi (2005), isa sa mga pinakamabentang album ng ika-21 siglo.
Mga impluwensiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sinabi ni Carey na simula pa noong bata siya ay naimpluwensiyahan siya nina Billie Holiday, Sarah Vaughan, at ng mga mang-aawit ng R&B na sina Gladys Knight at Aretha Franklin.[3] Ang kanyang musika ay labis na naimpluwensiyahan ng mga musikang pang-simbahan, at ang mga ito ay nakuha niya kanila The Clark Sisters, Shirley Caesar at Edwin Hawkins bilang pinakamaimpluwensiyang mga mang-aawit noong kanyang kapanahunan.[3] Nang inihalo ni Carey ang hip-hop sa kanyang mga musika, may mga haka-hakang na sinusubukan niyang gamitin ang kasikatan ng hiphop, subalit sinabi niya sa Newsweek, "People just don't understand. I grew up with this music" ("Hindi nauunawan ng mga tao. Lumaki ako sa ganitong musika").[4] Nagpakita siya ng paghanga sa mga rapper gaya nina The Sugarhill Gang, Eric B. & Rakim, ang Wu-Tang Clan, The Notorious B.I.G. at Mobb Deep, kung saan nakipagtulungan siya sa single na "The Roof (Back in Time)" (1998).[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Recent Births Are Announced". The Long-Islander. Huntington, New York. April 10, 1969. p. 2-3. Nakuha noong February 16, 2021 – sa pamamagitan ni/ng NYS Historic Newspapers.
Recent births at Huntington Hospital have been announced as follows ... March 27 Mariah, Mr. and Mrs. Alfred Carey, Huntington
- ↑ Carey, Mariah (Disyembre 22, 2021). "Can Mariah Carey Remember Tricky Questions About Her Long Career? | All About Me" [Maaalala Kaya ni Mariah Carey ang Mga Nakakalitong Tanong Tungkol sa Kanyang Mahabang Karera? | Lahat Tungkol sa Akin]. Harper's Bazaar (sa wikang Ingles). Nakuha noong Mayo 25, 2024 – sa pamamagitan ni/ng YouTube.
- ↑ 3.0 3.1 Norent, Lynn (12 Marso 1991). "Not Another White Girl Trying to Sing Black". Ebony. Nakuha noong 19 Agosto 2011.
- ↑ Shapiro 2001, p. 124.
- ↑ Willis, Andrew (18 Nobyembre 1998). "Higher and Higher". Vibe (magazine). Nakuha noong 14 Agosto 2011.