Pumunta sa nilalaman

Panghimagas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Himagas)
Panghimagas
Apat na uri ng panghimagas (mula kaliwa paikot sa kanan): Black Forest cake, krema de mangga, durog na cookies at ensaladang prutas
UriMatamis
BaryasyonSamu't sari (kakanin, galyetas, keyk, sorbetes, pastelerya, prutas atbp.)

Ang panghimagas, matamis, o minatamis (Pranses: dessert, Kastila: postre) ay karaniwang matamis na putahe na nagtatapos sa pagkain ng pananghalian o ng hapunan. Ang pagkain na bumubuo sa putahe o kurso ay kinabibilangan ng, ngunit hindi hanggang dito lamang, ng mga pagkain matatamis. Mayroong isang malawak na kasamu't sarian ng mga panghimagas na maaaring kabilangan ng mga keyk (mamon), mga cookie, mga biskuwit, mga pastelerya, mga leche flan, mga sorbetes, mga pastel (empanada), mga puding at mga kendi.[1] Ang mga prutas ay karaniwan ding natatagpuan sa mga putahe ng panghimagas dahil sa likas na katamisan ng mga ito.

Maraming mga kultura ang mayroong pansarili nilang mga kakaibang anyo ng kahalintulad na mga panghimagas sa buong mundo, katulad ng sa Rusya na ang maraming mga pagkaing pang-agahan na katulad ng blint, oladi, at syrniki ay maaaring isilbi na mayroong pulut-pukyutan at halea upang maging mga panghimagas. Ang hindi mahigpit na kahulugan ng "putaheng panghimagas" ay maaaring ilapat sa maraming mga pagkain.[2] Sa ilang mga bansa, ang mga keso na katulad ng kesong Brie at prutas ay inihahain bilang panghimagas. Ang ilang mga panghimagas ay napapalamutian (nadedekorasyunan), katulad ng mga keyk na pangkaarawan.[3] Ang iba naman ay payak, katulad ng puding o tsokolate. Maraming mga panghimagas ang hinuhurno (niluluto sa loob ng isang hurnuhan) and mayroon din namang ibang mga panghimagas na isinsilbing mayroong binating krema bilang pamatong. Kung minsan ang panghimagas ay tinatawag ding pamutat na may kahulugang "panggilid na pagkain" o "pagkaing palamuti" na kasama ng nakaplatong pangunahing pagkain o putahe.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Teyras, Emmanuelle; Clément, Marie Christine (2017). Le chocolat et les desserts : 22 recettes d'enfants. Mila éditions. ISBN 978-2840069485.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Delp, Valorie. "History of Desserts". Love to Know Gourmet. Love to Know Corp. Nakuha noong 18 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Carpio, M.J. (2017). Postres Divinos: Clásicos y Modernos • Pasteles, Galletas, Masas, Petit Fours. CreateSpace Independent Publishing Platform. ISBN 978-1548540548.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pagkain Ang lathalaing ito na tungkol sa Pagkain ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.