Hinulugang Taktak
Ang Hinulugang Taktak ay isang talon sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Rizal sa pulo ng Luzon. Binansagang isang Pambansang Liwasan ang napapalibutang lugar ng talon sa ilalim ng pangangasiwa ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (DENR)[1], Pamahalaang Lalawigan ng Rizal at Pamahalaang Panglungsod ng Antipolo[2]. Isa ang talon sa dalawang pinakapopular na lugar na panturismo sa Lungsod ng Antipolo, and kabisera ng Rizal, kasabay ng Katedral ng Antipolo. Noong 1990, inihayag bilang isang Pambansang Dambanang Makasaysayan ang Hinulugang Taktak sa pagpasa ng Batas Republika Blg. 6964.[3] Noong 2000, idineklara ang Hinulugang Taktak bilang isa sa mga protektadong tanawain ng Pilipinas alinsunod sa Batas Republika Blg. 7586.[4]
Ang tubig ng talon ay madumi at hindi na angkop para paliguan[5] Ngunit marami sa Lokal at Pambansang Pamahalaan ay kumikilos para mailigtas ang natural nitong kagandahan at sinisikap para mapangalagaan ang itaas na bahagi nito para gawing liwasan,at hindi para maabuso at pagtapunan ng dumi.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2005-12-06. Nakuha noong 2007-10-31.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hinulugang Taktak to be co-managed by DENR, LGUs of Rizal Province and Antipolo City
- ↑ Republic Act No. 6964[patay na link]
- ↑ "Proclamation No. 412, s. 2000 {{!}} Official Gazette of the Republic of the Philippines". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2018-05-29. Nakuha noong 2017-09-09.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2013-10-29. Nakuha noong 2013-07-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Antipolo Tourist Destinations (websayt ng Lungsod Antipolo) Naka-arkibo 2007-10-21 sa Wayback Machine. (Ingles)
- Antipolo Tourist Destinations (websayt ng Lungsod ng Antipolo) Naka-arkibo 2012-12-21 at Archive.is
- Antipolo festivals (websayt ng Lungsod ng Antipolo) Naka-arkibo 2008-07-05 at Archive.is
- Hotels and Resorts Destinations (websayt ng Lungsod ng Antipolo) Naka-arkibo 2012-12-21 at Archive.is
- Antipolo resorts and restaurants Destinations (websayt ng Lungsod ng Antipolo) Naka-arkibo 2012-12-21 at Archive.is
14°35′49″N 121°09′54″E / 14.59694°N 121.16500°E
Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.