Pumunta sa nilalaman

Hiroglipiko

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hiroglipo)
Mga hiroglipong Ehipsiyo.

Ang hiroglipo o hiroglipiko (Ingles: hieroglyph, hieroglyphics) ay mga larawang titik na may kahulugan.[1] ay isang mga uri ng pagsusulat na gumagamit ng mga sagisag (mga simbolo) o mga larawan upang kumatawan o gumanap bilang mga tunog at mga salita.[2] Ang mga kulturang Ehipsiyo, Luwiano at Maya ang kabilang sa mga gumamit ng mga hiroglipo. Natagpuan din ang mga ito sa Turkiya, Creta, Mga Nagkakaisang Estado at Canada. Iniisip na ang mga ito ay nagsimula nang ang mga larawan ay ginamit upang magsalaysay ng mga kuwento sa ibabaw ng mga palayok at iba pang mga akdang-sining. Sa paglipas ng mga panahon ay naging mga titik ang mga ito. Ang salitang hiroglipo ay nagbuhat sa mga salitang Griyegong ἱερός (hierós 'banal') at γλύφειν (glúphein, 'lumilok', 'umukit', o 'sumulat', 'magsulat'), at unang ginamit upang mangahulugan bilang "hiroglipong Ehipsiyo". Ang mga Griyegong nagpunta sa Ehipto ang nakakita sa mga "titik na larawan" na madalas na natatagpuang nakaukit sa mga dingding ng bahay, libingan, at mga bantayog o mga moog.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Hieroglyphics Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., bansa.org
  2. "Ancient Scripts: Egyptian". ancientscripts.com. Nakuha noong 26 Marso 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

PanitikanEhipto Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan at Ehipto ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.