Honesto Ongtioco
Ang Lubhang Kagalang-galang Honesto Ongtioco D.D. | |
---|---|
Obispo ng Cubao | |
Sede | Cubao |
Hinirang | 28 Hunyo 2003 |
Naiupo | 28 Agosto 2003 |
Hinalinhan | May hawak na pampasinaya (Unang obispo) |
Kahalili | Kasalukuyang nanunungkulan |
Mga orden | |
Ordinasyon | 8 Disyembre 1972 |
Konsekrasyon | 18 Hunyo 1998 ni Jaime Sin |
Mga detalyeng personal | |
Kapanganakan | San Fernando, Pampanga | 17 Oktubre 1948
Kabansaan | Filipino |
Tirahan | Tirahan ng Obispo, 41 Daang Lantana, Cubao, 1109 Lungsod Quezon |
Dating puwesto | Obispo ng Balanga (18 Hunyo 1998–28 Agosto 2003) |
Alma mater | Seminaryo ng San Jose Pamantasang Ateneo de Manila |
Motto | Maior autem caritas (Ang Pinakadakilang (Bagay) ay Pag-ibig) |
Eskudo de armas |
Mga estilo ni Honesto Ongtioco | |
---|---|
Sangguniang estilo | Ang Lubhang Kagalang-galang |
Estilo ng pananalita | Kagalang-galang |
Estilo ng relihiyoso | Obispo |
Si Honesto Flores Ongtioco (ipinanganak noong 17 Oktubre 1948) ay isang Pilipinong obispo ng Simbahang Katolikong Romano. Siya ay una at kasalukuyang Obispo ng Cubao, at naglingkod din bilang Apostolikong Tagapangasiwa ng Diyosesis ng Malolos mula 12 Mayo 2018 hanggang 21 Agosto 2019. Siya ay dating naglingkod bilang Obispo ng Balanga bilang pangalawang obispo nito.[1]
Talambuhay at edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ipinanganak si Honesto Flores Ongtioco noong 17 Oktubre 1948, sa San Fernando, Pampanga. Nagtapos siya ng mababang paaralan sa Akademiyang Sta. Scholastica at mataas na paaralan sa Akademiyang Don Bosco. Noong 1958, siya ay may pagsasanay sa pagkapari sa Seminaryo ng San Jose. Tatlong taon pagkatapos ng pag-aaral ng pilosopiya noong 1964, kumuha siya ng teolohiya sa Paaralang Loyola ng Teolohiya sa Pamantasang Ateneo de Manila. Nakakuha si Ongtioco ng antas ng pagkapantas sa Pag-unlad at Pagpaplano ng Organisasyon noong 1983 sa Instituto ng Pag-unlad na Interdisiplina ng Timog-Silangang Asya sa Maynila.
Noong 1984, pumunta siya sa Nagkakaisang Estado upang kumuha ng mga panibangong kurso sa Liturhiya at Kabanalan sa Pamantasang St. John sa Lungsod ng Bagong York. Pagkatapos kumuha ng mga panibangong kurso, siya ay pumunta sa Roma noong 1987 kung saan kumuha siya ng lisensyatura sa Banal na Teolohiya mula sa Pamantasang Pampuntipika ng Santo Tomas Aquino.[2]
Mga titulo ng Simbahang Katoliko | ||
---|---|---|
Sinundan: Celso N. Guevarra |
Obispo ng Balanga 18 Hunyo 1998–28 Agosto 2003 |
Susunod: Socrates Villegas |
Sinundan: Wala |
Obispo ng Cubao 28 Agosto 2003–kasalukuyan |
Susunod: Kasalukuyang nanunungkulan |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "About". Ang Katolikong Romanong Diyosesis ng Balanga. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Hunyo 2016. Nakuha noong 26 Mayo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Bishop Honesto F. Ongtioco". Direktoryong UCAN: Datobase ng mga Katolikong Diyosesis sa Asya. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Hunyo 2016. Nakuha noong 26 Mayo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
- Ipinanganak noong 1948
- Ika-20 dantaong obispong Katolikong Romano
- Ika-2 dantaong obispong Katolikong Romano
- Mga Pilipinong obispong Katolikong Romano
- Mga Pilipinong obispo
- Mga Pilipinong pinunong panrelihiyon
- Mga Pilipinong Kristiyanong pinunong panrelihiyon
- Mga mamamayang Pilipino na may dugong Tsino
- Mga mamamayan ng San Fernando, Pampanga
- Mga nagtapos sa Pamantasang Ateneo de Manila
- Mga obispong Katolikong Romano sa Pilipinas