Pumunta sa nilalaman

Diyosesis ng Cubao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Diyosesis ng Cubao
Dioecesis Cubaoensis
Kinaroroonan
NasasakupanLungsod Quezon
Lalawigang EklesyastikoArkidiyosesis ng Manila
Estadistika
Populasyon
- Kabuuan

1,142,044 (2006)
Kabatiran
RituRomano
KatedralKatedral ng Immaculada Concepcion
PatronImmaculada Concepcion
Kasalukuyang Pamunuan
PapaBenedict XVI
ObispoHonesto F. Ongtioco
Kalakhang ArsobispoLuis Antonio G. Tagle, D.D. Arsobispo ng Manila
Website
www.dioceseofcubao.org

Ang Diyosesis ng Cubao (Lat: Dioecesis Cubaoensis) ay isang diyosesis ng Ritong Latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 8 Agosto 2003 sa kapistahan ni San Agustin mula sa Arkidiyosesis ng Manila.

Taong 1595 ang diyosesis ng Manila ay naging arkidiyosesis sa bisa ng kautusan ni Papa Clemente VIII. Makalipas ang maraming taon, noong 1961 ang Arkidiyosesis ang siyang sumasakop sa Manila, Lungsod Quezon, Pasay, Kalookan, at Lalawigan ng Rizal.

Noong mga panahong iyon ang Lungsod Quezon ay mayroong labing-isang mga parokya. Mula 1962 hanggang 1974 pito pang parokya ang nadagdag. 3 Disyembre 1974 hinati ang Lungsod sa apat na bikaryo, ang Sta. Rita, Holy Family, San Jose, at Sto. Niño. Mula 1975 hanggang 1982 dalawampung parokya pa ang nadagdag sa sinasakupan ng Lungsod Quezon.

Sa pagitan ng mga taong 1981 at 1983 nagawa ang bikaryo ng Mabuting Pastol. 24 Marso 1983 nang mahati ang bikaryo ng San Jose at nagawa ang bikaryo ng Ina ng Laging Saklolo. Walo pang mga parokya ang nadagdag mula 1985 hanggang 1986. 10 Agosto 1987 hinati ang distrito ng Lungsod Quezon sa dalawa; ang Lungsod Quezon - Hilaga at Lungsod Quezon - Timog. Binubuo ang una ng mga 4 na mga bikaryo samantalang ang huli ay binubuo ng 4 ring mga bikaryo.

Nahati ang bikaryo ng Ina ng Laging Saklolo sa Ina ng Laging Saklolo 1 at 2 sa pagitan ng mga taong 1987 at 1989. Sa loob lamang ng isang taon noong 1987 hanggang 1988 limang parokya ang naitatag at napasama sa hurisdiksiyon ng Lungsod Quezon.

Mula 1990 hanggang noong taong 2000 sampung mga parokya pa ang naitatag sa Lungsod Quezon. 9 Disyembre pinalitan ang pangalan ng bikaryo ng Ina ng Laging Saklolo 2 ng San Isidro Labrador. Taong 2001 nang maitatag ang Kapelyahan ng St. Jude. 15 Marso 2002 binago ang mga distrito ng Lungsod Quezon Hilaga at Timog at ginawang mga Distrito ng Cubao at Novaliches ayon sa pagkakasunod.

10 Abril naitatag ang Kapelyahan ng Banal na Pamilya mula sa bikaryo ng Sto. Niño. At sa wakas noong 28 Hunyo 2003 naitatag ang Diyosesis ng Cubao. 28 Agosto ng makoniko itong maitatag at maitalaga si Lubhang Kgg. Honesto F. Ongtioco bilang unang Obispo.

BIKARYO NG SAN JOSE

  • Holy Cross Parish (Krus na Ligas)
  • Holy Family Parish (Kamias)
  • Immaculate Heart of Mary Parish (UP Village)
  • Our Lady of Pentecost Parish (Loyola Heights)
  • Parish of the Holy Sacrifice (UP Campus)
  • Parish of the Lord of Divine Mercy (Sikatuna Village)
  • Parish of Santa Maria Della Strada (Katipunan)
  • St. Joseph Shrine (Project 2-3)

BIKARYO NG SAN PEDRO BAUTISTA

  • Immaculate Conception Parish (Damar Village)
  • National Shrine of Our Lady of Lourdes
  • Saint Joseph the Worker Parish (Cloverleaf, Balintawak)
  • Santuario de San Pedro Bautista Parish
  • Santo Domingo Parish (Quezon Avenue)
  • Sta. Perpetua Parish
  • Sta. Teresita del Niño Jesus Parish
  • Most Holy Redeemer Parish (Masambong)

BIKARYO NG SAGRADA FAMILIA

  • Holy Family Parish (Roxas District)
  • Katedral ng Inmaculada Concepcion
  • Most Holy Redeemer Parish (Brixton Hills)
  • Our Lady of Fatima Parish (Cordillera)
  • Our Lady of Mt. Carmel Shrine and Parish (New Manila)
  • Sacred Heart of Jesus Parish (Kamuning)
  • Saint Paul the Apostle Parish (Timog Avenue)

BIKARYO NG STA. RITA DE CASCIA

  • Christ the King Parish (Veterans Village)
  • Parish of the Hearts of Jesus and Mary
  • Resurrection of Our Lord Parish (Paltok)
  • Saint Jude Quasi Parish
  • San Antonio de Padua Parish (San Francisco del Monte)
  • Sta. Rita de Cascia Parish (Phil-am Homes)
  • Sto. Cristo de Bungad Parish

BIKARYO NG INA NG LAGING SAKLOLO

  • Christ the King Parish (White Plains)
  • Nativity of Our Lord Parish (Cubao)
  • Our Lady of Miraculous Medal Parish (Project 4)
  • San Roque Parish (Bagumbayan)
  • Our Lady of Perpetual Help Parish (Cubao)
  • Transfiguration of Our Lord Parish

BIKARYO NG STO. NIÑO

  • Holy Family Quasi Parish
  • Immaculate Conception Parish (GSIS Village)
  • Our Lady of Hope Parish (Bagong Pag-asa)
  • Our Lady of Mt. Carmel Parish (Project 6)
  • Our Lady of Perpetual Help Parish (Project 8)
  • Parish of Mary, Immaculate Conception
  • San Nicolas de Tolentino Parish
  • Sto. Niño Parish Shrine
  • Honesto F. Ongtioco (28 Hun 2003 Naitalaga - kasalukuyan)

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]