Diyosesis ng Alaminos
Diyosesis ng Alaminos Dioecesis Alaminensis Diyosesis sa Alaminos | |
---|---|
Kinaroroonan | |
Bansa | Pilipinas |
Nasasakupan | Kanlurang Pangasinan (Agno, Aguilar, Alaminos, Anda, Bani,Bolinao, Bugallon, Burgos, Dasol, Infanta, Labrador, Mabini, Mangatarem at Sual)[1] |
Lalawigang Eklesyastiko | Lingayen-Dagupan |
Kalakhan | Alaminos, Pangasinan |
Estadistika | |
Populasyon - Kabuuan - Katoliko | (noong 2006) 595,157 488,725 (82.1%) |
Parokya | 19 |
Kabatiran | |
Denominasyon | Katoliko Romano |
Ritu | Ritong Romano |
Itinatag na - Diyosesis | Enero 12, 1985 |
Patron | San Jose |
Kasalukuyang Pamunuan | |
Papa | Francisco |
Obispo | Mario Peralta |
Website | |
dioceseofalaminos.org |
Ang Diyosesis ng Alaminos (Lat: Dioecesis Alaminensis) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Enero 12, 1985 ang araw nang ang Alaminos, na tinatawag dating "Wild West ng Pangasinan," ay nilikhang isang diyosesis ni Papa Juan Pablo II. Abril 22 nang hirangin si L'Osservatore Romano ang dating katulong ng obispo ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan, lubhang kagalang-galang Jesus A. Cabrera, D.D., PhD, bilang unang obispo ng bagong gawang diyosesis. Noong Hunyo 28, 1985 nahirang ang bagong obispo.
Matatagpuan ang Diyosesis ng Alaminos sa kanlurang bahagi ng lalawigan ng Pangasinan. Dati itong bahagi ng Arkidyosesis ng Lingayen-Dagupan hanggang sa ito'y naging hiwalay na diyosesis noong 1985. Napapaligiran ito sa silangan ng Golpo ng Lingayen at ng Arkidyosesis ng Lingayen-Dagupan, sa hilaga at kanluran ng Silangang Dagat ng Tsina, at sa timog ng hangganan ng mga lalawigan ng Zambales at Tarlac. Ang buong diyosesis ay puno ng tanawin ng mga burol at mga lambak na napapaligiran ng mga anyong tubig. Ang bantog na Hundred Islands National Park, na isang destinasyong panturista ay matatagpuan sa paligid ng bayan ng Alaminos.
Mayroong halos 420,000 na naninirahan mula sa may 84,000 na kabahayan kung saan 83 bahagdan ay mga Katoliko. Kasama sa mga namamahala sa bagong diyosesis ang 14 na paring pangdiyosesis, 5 misyonerong paring Columban, 2 kaputsina misyonero at 58 kababaihan mula sa 13 relihiyosong kongregasyon. May 19 na parokya sa labing-apat na bayan sa ilalim ng diyosesis. Ang pinakamalaki rito ay ang Parokya ng Alaminos na may 54,600 mga parokyano, sumunod ang Bugallon na may 44,000, Mangatarem sa 42,000 at Bolinao na may 41,000.
Mga Namuno
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Jesus Aputen Cabrera (22 Abr 1985 Naitalaga - 1 Hul 2007 Nagretiro)
- Joel Zamudio Baylon (1 Hul 207 Naitalaga - kasalukuyan)
Tignan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Diocese of Alaminos." Claretian Publications. Web. 18 Dis. 2011. (sa Ingles)