Pumunta sa nilalaman

Hundred Islands National Park

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Hundred Islands National Park[1] (Pangasinan: Kapulo-puloan o kaya Taytay-Bakes) ay isang destinasyong panturista na matatagpuan sa Barangay Lucap, Lungsod ng Alaminos, Pangasinan, Pilipinas. Ito ang unang pambansang parke ng Pilipinas.[2]

Binubuo ito ng 101 pulo, ngunit 100 pulo lamang ang makikita tuwing tataas na paglaki ng tubig.

Nakakalat sa Golpo ng Lingayen ang mga pulo at sakop ang lawak na 1,844 ektarya (4,556.62 acres). Pinaniniwalaang dalawang milyong taong gulang na ang mga pulo.

Tatlong pulo lamang ang ipinaunlad para sa mga turista, ang mga pulo ng Gobernador, Quezon at Children.[3]

  • Pulo ng Gobernador – kung saan makikita ang bahay ni Kuya (ng Pinoy Big Brother) na ginamit ng mga housemate ng Teen Edition
  • Pulo ng Quezon – para sa mga naninirahan sa loob ng kampo at mga nagpipiknik[3]
  • Pulo ng Children – kung saan matatagpuan ang mga bahay kubo[3]
  • Pulo ng Romulo – kung saan naganap ang shooting ng Marina, teleserye ng ABS-CBN
  • Pulo ng uencoC (Pandi) – kung saan makikita ang isang malaking kuweba

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Maaring tawagin sa Tagalog na "Pambansang Parke ng Kapuluang Sandaan".
  2. "Tourist Attractions- Hundred Islands National Park". Pamahalaan ng Alaminos. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-12-17. Nakuha noong 2007-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 "The Hundred Islands". Kagawaran ng Turismo. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-04-23. Nakuha noong 2007-04-08.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


Pilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.