Pumunta sa nilalaman

Diyosesis ng San Pablo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Diyosesis ng San Pablo
Diocesis Sancti Pauli in Insulis Philippinis
[[File:Diocese of san pablo coat of arms|frameless|alt=|]]
Kinaroroonan
NasasakupanLungsod ng San Pablo at Lalawigan ng Laguna
Lalawigang EklesyastikoArkidiyosesis ng Maynila
Kabatiran
RituRomano
Itinatag na
- Diyosesis

Nobyembre 28, 1966
KatedralKatedral ng San Pablo, Unang Ermitanyo
PatronSan Pablo, Unang Ermitanyo
Kasalukuyang Pamunuan
PapaFrancisco
ObispoLub. Kgg. Reb. Buenaventura M. Famadico, D.D.
Kalakhang ArsobispoJose Advincula

Ang Diyosesis ng San Pablo (English: Diocese of San Pablo, Latin:Dioecesis Sancti Pauli in Insulis Philippinis) isang diyosesis ng Katoliko Romano at isang supragan ng Arkidiyosesis ng Maynila. Ang patron nito ay si San Pablo, ang unang ermitanyo. Ito ang tanging diyosesis sa lalawigan ng Manila.

Ang diyosesis ay binubuo ng lungsod ng San Pablo at ng lalawigan ng Laguna. Ito ay napapaligiran ng Arkidyosesis ng Lipa at Diyosesis ng Lucena. Matatagpuan sa puso ng Lunsod ng San Pablo, ito ay ang tanging diyosesis sa Laguna.

Itinatag ni Juan de Salcedo bilang kaharian ng "Sampaloc". Ang mga paring Agustino ay nagtayo ng simbahan noong ika-16 na siglo. Noong 1586 naman, ito ay naitataga bilang isang parokya at tinawag na "Parokya ng San Pablo delos Montes". Taong 1910 nang ito ay naging bahagi ng Arkidiyosesis ng Lipa; at noong Ika-28 ng Nobyembre,1966 ito ay naging suffragan diocese ng Arkidiyosesis ng Maynila. Noong Ika-18 ng Abril, 1967 itinalaga si Obispo Pedro N. Bantigue bilang unang obispo.

  • Pedro Natividad Bantigue (Enero 26, 1967 - Hulyo 12, 1995)
  • Francisco Capiral San Diego (Hulyo 12, 1995 - Hunyo 28, 2003)
  • Leo Murphy Drona, SDB (Mayo 14, 2004 - Enero 25, 2013)
  • Buenaventura Famadico (Enero 25, 2013 hanggang sa kasalukuyan)

Sa kasalukuyan ang diyosesis ay may 80 na parokya (7 ay sa loob ng San Pablo City), 163 na mga pari at mga relihiyoso; may 43 institusyong Katoliko at 49 na naiulat na BEC at komunidad ng pananampalataya.

Kakulangan ng mga pari

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dahil sa pagkakaroon ng kakulangan at pag-unti ng mga pari sa Diyosesis kaya ang ginawang solusyon ay ang pagbubukas ng isang mataas na paaralan na seminaryo noong 1968. Subalit ang seminaryong ito ay tumagal lamang ng labingtatlong taon. Taong 1981 ang seminaryo ng Saint Peter's College ay itinatag na matatagpuan sa Brgy. Concepcion, San Pablo.

Buhay Katoliko at Kasalukuyang sitwasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga San Pableños ay itinuturing na mga taong mapagmahal sa Diyos. Maraming mga ministro nang simbahan ang lumalahok sa mga gawaing simbahan. Tuwing Linggo ang simbahan ay puno ng mga tao. Tinatayang umaabot sa 1,900,000 na tao ang nasasakupan nito. Sa ngayon sa bisa ng kautusan ni Papa Benedikto XVI ay itinalaga niyang obispo si Buenaventura Famadico.

Mga Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]