Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas
Dioecesis Sancti Iosephi in Insulis Philippinis
Kinaroroonan
Teritoryo Hilagang bahagi ng Nueva Ecija
Lalawigang Eklesyastiko Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan
Kabatiran
Ritu Romano
Itinatag na
- Diyosesis

Pebrero 16, 1984
Katedral Katedral ni San Jose
Kasalukuyang Pamunuan
Papa Benedict XVI
Obispo Mylo Hubert Claudio Vergara
Kalakhang Arsobispo

Socrates Buenaventura Villegas

Arsobispo ng Lingayen-Dagupan
Website
www.dioceseofsanjose.net

Ang Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas (Lat: Dioecesis Sancti Iosephi in Insulis Philippinis) ay isang diyosesis ng Ritong latin ng Simbahang Katoliko Romano sa Pilipinas. Itinatag ang diyosesis noong 1984 mula sa Diyosesis ng Cabanatuan.

Ang Diyosesis ng San Jose sa Pilipinas ay isang supragan na diyosesis ng Arkidiyosesis ng Lingayen-Dagupan.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Diyosesis ng San Jose ay matatagpuan sa Hilagang bahagi ng lalawigan ng Nueva Ecija na napagpahayagan ng mga misyonerong Agustino. Matatagpuan ito mga 160 kilometro sa hilaga ng Manila. Napapaligiran ito ng mga bundok ng bulubunduking Sierra Madre sa silangan at ng bulubunduking Caraballo sa hilaga.

Nabuo ang diyosesis noong ika-16 ng Pebrero taong 1984 sa pamamagitan ni Papa Juan Pablo II at naitayo noong ika-14 ng Hulyo, 1984. Ang nasasakupan nito ay mula sa Diyosesis ng Cabanatuan kung saan noong bago pa mahati ay siyang namamahala sa buong lalawigan ng Nueva Ecija. Labing-anim na parokya sa kabuuang 41 ng Diyosesis ng Cabanatuan ang inilipat sa bagong diyosesis. Walungpong bahagdan ng populasyon ang mga Katoliko at ang natitirang dalawampung bahagdan ay nahahati sa iba't ibang sekta at denominasyon.

Naitalaga si lubhang Kgg. Florentino F. Cinense, DD, bilang kauna-unahang residenteng obispo noong 14 Hulyo 1984. Nang maitalaga siya bilang katulong na obispo ng Tarlac nanatili pa rin siya bilang apostolikong tagapamahala ng San Jose hanggang sa pagkakahirang kay lubhang Kgg. Leo M. Drona noong 25 Hulyo 1987. Si Obispo Drona ay naging Salesian ng Don Bosco sa loob ng dalawampu't siyam na taon bago ang kanyang pagkatalagang episkopal. Siya ang kauna-unahang salesian na pari at obispong Pilipino. Noong Hunyo 2004 nailipat si Obispo Drona sa Diyosesis ng San Pablo sa Laguna bilang ikatlong obispo nito. Sinundan siya ni Lubhang Kgg. Mylo Hubert C. Vergara na naging ikatlong obispo ng diyosesis noong Mayo 14, 2005.

Mga Namuno[baguhin | baguhin ang batayan]

  • Florentino Ferrer Cinense (24 May 1984 Naitalaga - 17 Ago 1985 Naitalaga, Katulong na Obispo ng Tarlac)
  • Leo Murphy Drona, S.D.B. (10 Hun 1987 Naitalaga - 14 May 2004 Naitalaga, Obispo ng San Pablo)
  • Mylo Hubert Claudio Vergara (12 Peb 2005 Naitalaga - kasalukuyan)

Tignan rin[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]