Horacio Quiroga
Horacio Quiroga | |
---|---|
Kapanganakan | 31 Disyembre 1878 |
Kamatayan | 19 Pebrero 1937 | (edad 58)
Dahilan | Suicide by cyanide |
Asawa | Ana María Cires (1909–1915) María Bravo (1927–his death) |
Anak | Eglé Quiroga (1911–1938) Darío Quiroga (1912–1952) María Elena Quiroga (1928–1988) |
Si Horacio Silvestre Quiroga Forteza (31 December 1878 – 19 February 1937) ay isang Uruguayan na mandudula, makata, at kilalang manunulat ng mga maikling kuwento. Kaniyang ipinapakita ang pakikibaka ng mga tao sa pagkabuhay at ganoon rin ang pakikibaka ng mga hayop sa gubat. Siya ay nakilala sa pagkamaster ng pagsulat ng maikling kuwento dahil rito. Mahusay siya sa pagsulat at depikto ng sakit sa pagiisip at mga halusinasyon. Ang ganitong uri ng pagsusulat ay kaniyang napulot sa impluwensiya ni Edgar Allan Poe na kinalaunan at napulot rin ni William Faulkner na manunulat sa ika-19 siglo.[1]
Maagang Buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Horacio ay nanirahan sa Arhentina sa malaking parte ng kaniyang buhay. Ang mga magulang niya ay sina Pastora Forteza at Prudencio Quiroga. Ang kaniyang amang si Facundo na nagtrabaho ng labin-walong taon bilang puno ng bise-konsulado ng Arhentina ay namatay noong dalawang buwang gulang pa lamang siya mula sa isang aksidente gamit ang baril (shotgun) noong pauwi siya galing pangangaso.
Muling nag-asawa ang kaniyang ina na nagngangalang Mario Barcos na kinagiliwan ni Quiroga at tinanggap bilang ama. Noong 1896 ay nagkastroke ang kinilalang pangalawang ama ni Horacio na nagresulta ng bahagyang pagkaparalisado at nakaapekto sa kakayahan nitong makapagsalita. Sa sobrang kalumbayan ay nagpakamatay ito gamit ang pagbaril sa sarili mula sa bibig at nasaksihan ito ni Horacio. [2]
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa pagkabata ni Horacio ay madalas lumipat ng tirahan ang kaniyang pamilya. Sila ay lumipat sa Córdoba at bumalik sa Salto noong 1883.[3] Kinalaunan ay namalagi sa Montivedo, ang kapital ang Uruguay, kung saan ay pumasok siya sa isang unibesidad noong 1891. Siya ay napamahal sa pagsusulat at kinalaunan ay nakasulat at lathala ng mga maiikling kuwento.
Siya ay naglathala sa mga lokal na magasin mula 1897 at naging tagapagtatag na editor ng Revista de Salto (1899-90). Nang mamatay ang kaniyang kinilalang pangalawang ama ay bumisita siya sa Paris upang aliwin ang sarili. Dito ay naimpluwensiyahan siya ng French symbolist movement at mga likha ni Poe. Ang kaniyang talaarawan patungkol sa karanasan na ito ay nailathala noong 1950. Siya ay naging sentro ng isang grupo ng mga manunulat noong pagbalik niya sa Uruguay.
Karera sa Paglalathala
[baguhin | baguhin ang wikitext]Consistorio del Gay Saber ang ngalan ng grupo ng panitikan na kaniyang tinatag sa simula ng kaniyang karera noong 1900. Sa panahon na ito ay pormal niyang pinageksperimentuhan ang pagiging mananalaysay. Nailathala niya ang kaniyang unang libro noong 1901 na pinamagatang The Coral Reefs. Ito ay nilalaman ng mga tula, tuluyang patula, at mga kuwento. Hindi ito sumikat sapagkat ito ay gawang baguhan pa lamang. Sa kasamaang palad ay sa kaparehang taon ay namatay ang kaniyang mga kapatid na lalaki sa typhoid fever. Aksidente niya ring napatay ang kaniyang kaibigan na si Federico noong ininspektion nila ang dalang baril. Ang pangyayaring ito ang dahilan sa pananatili sa Arhentina kung saan ay naglakbay siya sa gubat ng Misiones at lumago bilang propesyunal at manunulat. Nakatulong ito sa kaniyang paglikha ng mga sulat tungkol sa kagubatan. Naging guro at nagpatuloy siya sa pagsulat. Nakapag lathala siya ng koleksiyon na pinamagatang The Crime of Another noong 1904 at isang maikling kuwento na pinamagatang "The Feather Pillow" noong 1907.
Pag-ibig
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinakasalan ni Quiroga ang isa sa kaniyang estudyante na si Ana Maria Cires at nilipat ito sa kaniyang tahanan sa kagubatan. Nagkaroon sila ng dalawang anak sa mga sumunod na taon. Ang malayo sa kabihasnan at delikadong pamumuhay sa kagubatan ay nakaapekto nang malaki kay Ana na nagtulak sa kaniya upang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason noong Disyembre 1915.
Pagkamatay ng asawa ni Quiroga ay bumalik siya sa Buenos Aires kasama ang mga anak kung saan ay nagtrabaho siya konsulado ng Uruguay. Nagpatuloy pa rin siya sa pagsulat kung saan sa panahon na ito ay nakilala siya bilang ama ng modernong Latin American short story. Ang kaniyang mga naisulat ay Tales of Love, Madness and Death (1917) at Jungle Tales (1918). Sa mga naisulat na ito ay naipakita ang karahasan sa kagubatan.
Nailathala niya rin ang dula na pinamagatang The Slaughtered (1920), at koleksiyon ng mga maikling kuwento Anaconda (1921), The Desert (1924), "The Decapitated Chicken" and Other Stories (1925), at The Exiled (1926).[4]
Kamatayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Muling nagpakasal si Quiroga sa kaibigan ng kaniyang anak na si María Elena Bravo. Nakapaglathala siya ng kaniyang pangalawang nobela Past Love. Bumalik sila sa kanilang bahay sa Misiones kung saan sinundan pa rin siya ng kaniyang mapait na kapalaran. Ang kaniyang huling paglathala ay noong 1935, kung saan iniwan rin siya ni Maria at bumalik sa Buenos Aires dahil hindi niya na rin kayang maniharan sa kagubatan.
Nagkaroon ng sakit si Quiroga at depresyon. Bumalik rin siya sa Buenos Aires noong 1937 kung saan siya ay napagalamang may teminal na kanser sa prostate. Dahil sa depresyon ay nagpakamat si Quiroga noong February 19, 1937 sa charity clinic.
Mga Tema at Tropa sa Panitikan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga likha ni Quiroga ay umiikot sa kamatayan, pagnanalig na hindi matatakasan ng tao ang kanilang kapalaran, at mga kuwento ng kakaiba at kakilakilabot.
Pamana
[baguhin | baguhin ang wikitext]Listahan ng mga napiling gawa
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Los arrecifes de coral, 1901
- El crimen del otro, 1904
- Historia de un amor turbio, 1908
- Cuentos de amor, de locura y de muerte, 1917
- Cantos de la selva para niños, 1918
- El salvaje, 1920
- Las sacrificadas, 1920
- Anaconda, 1921
- South American Jungle Tales, 1922 (transl. by Arthur Livingston)
- El desierto, 1924
- "La gallina degollada" y otros cuentos, 1925
- Los desterrados, 1926
- Pasado amor, 1929
- Suelo natal, 1931
- El más allá, 1935
- Diario de viaje a París, 1950
- Obras inéditas y desconocidas, 1967-73 (8 vols.)
- The Decapitated Chicken and Other Stories, 1976 (transl. by Margaret Sayers Peden)
- Cuentos completas, 1978 (2 vols.)
- Novelas completas, 1979
- The Exiles and Other Stories, 1987 (transl. by David Danielson and Elsa K. Gambarini)
- Testimonios Autobiograficos De Horacio Quiroga. Cartas Y Diari, 1997 (ed. by Norma Perez Martin)
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Horacio Quiroga | Biography, Books, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Ortiz, Juan (2019-06-28). "Biography and works of Horacio Quiroga, the master of stories". Actualidad Literatura (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "LitWeb.net". web.archive.org. 2010-11-26. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-11-26. Nakuha noong 2023-04-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "https://www.biography.com/authors-writers/horacio-quiroga". Biography (sa wikang Ingles). 2019-04-15. Nakuha noong 2023-04-14.
{{cite web}}
: External link in
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)|title=