Pumunta sa nilalaman

Hulagu Khan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hulagu Khan
Kapanganakan1217 (Huliyano)
Kamatayan8 Pebrero 1265 (Huliyano)
  • (Central District, Maragheh County, Silangang Aserbayan, Iran)
MamamayanYuan
Imperyong Monggol
PamilyaKublai Khan

Si Hulagu Khan, kilala din bilang Hülegü o Hulegu (Mongol: Хүлэгү/ᠬᠦᠯᠡᠭᠦ, romanisado: Hu’legu’/Qülegü, lit. 'Labis'; Chagatay: ہلاکو; Persa: هولاکو خان‎, Hulâgu xân; Arabe: هولاكو خان/ هَلَاوُن‎; Tsino: 旭烈兀; pinyin: Xùlièwù [ɕu4.ljɛ̂.û]; mga 1215 – 8 Pebrero 1265), ay isang pinunong Mongol na sinakop ang Kanlurang Asya. Anak ni Tolui at ang prinsesang Keraite na si Sorghaghtani Beki, siya ang apo ni Genghis Khan at kapatid ni Ariq Böke, Möngke Khan, at Kublai Khan.

Lumawak ang hukbo ni Hulagu sa timog-kanlurang bahagi ng Imperyong Mongol, na itinatag ang Ilkanato ng Persya, isang pasimula sa kalaunang dinastiyang Safavid, at pagkatapos ang makabagong estado ng Iran. Sa ilalim na pamumuno ni Hulagu, winasak ng pagkubkob sa Baghdad (1258) ang nakatayong Ginintuang Panahong Islamiko nito at pinahina ang Damascus, na nagdulot sa paglipat ng Islamikong impluwensiya sa Sultanatong Mamluk sa Cairo sa dinastiyang Abbasid.

Ipinanganak si Hulagu kay Tolui, isa sa mga anak ni Genghis Khan, at kay Sorghaghtani Beki, isang maimpluwensyang prinsesang Keraite at pamangkin ni Toghrul noong 1215.[1] Wala masyadong alam tungkol sa kabataan ni Hulagu maliban sa isang anekdota na binigay sa Jami' al-Tawarikh at minsan niyang nakilala ang kanyang lolong si Genghis Khan kasama si Kublai noong 1224.

Kampanyang militar

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pagkubkob ng Alamût noong 1256
Isang pintang Mughal ng pagkubkob ng Alamut ni Hulagu

Iniluklok ang kapatid ni Hulagu na si Möngke Khan bilang Dakilang Kan noong 1251. Inutusan ni Möngke si Hulagu na pamunuan ang isang malaking hukbong Mongol upang sakupin o wasakin ang natitirang mga estadong Muslim sa timog-kanlurang Asya. Hinangad ng kampanya ni Hulagu ang pagsupil ng mga Luros sa katimugang Iran,[1] ang pagwasak ng estadong Nizari Ismaili (ang mga Mamamatay-tao), ang pagpapasakop o pagkawasak ng Kalipatong Abbasid sa Baghdad, ang papapasakop o pagkawasak ng estadong Ayyubid sa Syria na nakabase sa Damascus, at sa wakas, ang pagpapasakop o pagkawasak ng Bahri na Sultanatong Mamluk ng Ehipto.[2] Inutos ni Möngke kay Hulagu na itrato ng mabuti ang mga lugar na mapapasakop at lubos na wasakin ang mga hindi. Masigasig na isinagawa ni Hulagu ang huling bahagi ng mga tagubiling ito.

Nagmartsa si Hulagu kasama ang marahil ang pinakamalaking hukbo ng Mongol na natipon – sa pamamagitan ng utos ni Möngke, tinipon ang dalawang-ikasampu ng mga lumalabang mga tauhan ng imperyo para sa hukbo ni Hulagu[3] noong 1253. Dumating siya sa Transoxiana noong 1255. Madali niyang nawasak ang mga Luros, at sumuko ang mga Mamamatay-tao at ang kanilang di-malusob na muog sa Alamut ng walang isang laban, na tinanggap ang kasunduan na ililigtas ang buhay ng kanilang mga tao noong unang bahagi ng 1256. Bagaman, isinuko ang kastilyo noong pagsalakay ng Mongol ng Alamut, nabihag ang Ismailis at pinuksa na hindi nagdadalawang-isip. Nagdulot sa pagkawasak nito ang palagay na nalipol ang pamayanan at karamihan sa panitikan nito.[4]

Pinili ni Hulagu Khan ang Azerbaijan bilang kanyang kapangyarihang kuta, habang inutos si Baiju na umatras sa Anatolia.

Seryosong nagkasakit si Hulagu Khan noong Enero 1265 at namatay noong sumunod na buwan sa pampang ng Ilog Zarrineh (tinatawag noon na Jaghatu) at inilibing sa Pulo ng Shahi sa Lawa ng Urmia. Natatangi ang kanyang paglilibing dahil ito lamang ang Ilkanatong paglilibing na tinampok ang pagsasakripisyo ng tao.[5] Hindi na matagpuan ang kanyang puntod hanggang sa ngayon.[6]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Hulāgu Khan sa Encyclopædia Iranica (sa Ingles)
  2. Amitai-Preiss, Reuven. The Mamluk-Ilkhanid War (sa Ingles)
  3. John Joseph Saunders, The History of the Mongol Conquests, 1971. (sa Ingles)
  4. Virani, Shafique N. (2018-04-16). "Alamūt, Ismailism and Khwāja Qāsim Tushtarī's Recognizing God". Shii Studies Review (sa wikang Ingles). 2 (1–2): 193–227. doi:10.1163/24682470-12340021. ISSN 2468-2462.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Morgan, p. 139 (sa Ingles)
  6. Henry Filmer (1937). The Pageant Of Persia (sa wikang Ingles). p. 224.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)