Human-Factors Engineering

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Ang human-factors engineering ay tumutukoy sa pagpapataas ng antas ng kalidad at efficiency ng trabaho, gayundin ang kaligtasan, kaginhawaan at kaluguran ng isang operator sa lahat ng aspeto ng pakikipag-ugnayan ng tao at makinarya (human-machine interacton). Isa ring layunin nito ay ang pababain ang potensiyal na fatigue at stress. Ito ay kadalasang naihahalintulad sa ergonomiya.

Mga product engineers ang kadalasang naga-analisa ng mga interaksiyong ito, higit pa dahil sa ang mga layuning ito ay paminsang hindi nagkakasundo (e.g., mataas na kalidad ang resulta ng interaksiyon, ngunit masyadong mapanganib para sa operator). Ang human-factors engineering ay ang paglalapat ng kaalaman mula sa human physiology at ''psychology'' na tumutukoy sa pisikal at cognitive na kakayahan ng tao.

Workstations[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang makinarya ang siyang dapat nilalapatan ng masusing pagpaplano ng disenyo upang ito ay maging angkop sa operator nang napapanatiling mababa ang strain at ang pagkakaroon ng mga hindi kinakailangan at nasasayang na kilos. Muscle-strain injuries o cumulative trauma disorder ay madalas na epekto ng hindi angkop na disenyo ng operator-machine interaction. Ang mga nasasayang na kilos ay matutugunan sa pamamagitan ng pagsasaayos ng pisikal na pagkakasunud-sunod ng mga kontrol sa makinarya o sistema.

Ang repetitive stress injuries ay inaasahan ding maging epekto ng paulit-ulit na paggalaw (repetitive motion), lalo na sa mga assembly line workers, data-entry workers, mga manggagawa sa meatpacking, pananahi, mga tumutugtog ng instrumentong pangmusika, at iba pa. Ito ay kilala rin sa mga tawag na cumulative trauma disorders, repetitive motion disorders, at overuse syndromes, na lahat ay tumutukoy sa isang grupo ng kondisyon na tuwirang nakaka-apekto sa soft tissues, nerves, tendons, ligaments, at mga kalamnan o muscles. Ito ay nagreresulta sa pamamaga at pagsakit ng mga bisig, leeg, balikat, pulsuhan o mga kamay, pangingilig at pamamanhid, pagkawala ng lakas sa paggawa, at pamamaga ng mga kalamnan. Isang uri nito ay ang tinatawag na carpal tunnel syndrome (CTS) kung saan ang median nerve ng pulsuhan ay napipiga at nagreresulta sa higit na pananakit. Ang bursitis, tendinitis, epicondylitis, ganglion cyst, tenosynovitis, at trigger finger ay ilan pa sa mga halimbawang sakit sa ilalim ng repetitive stress injuries.

Ang mga ito ay maiiwasan sa pag-iiba ng postura at paggalaw, pagsasanay, at paggawa ng mga kasangkapan upang maisakatuparan ang mga pagbabagong ito. Ang mga makinarya na binubuo ng mga control at display ay dapat madaling makilala at makita ang pagkakaiba. Dapat din ay madaling maintindihan ang mga nilalaman nito (e.g., pagbibigay ng mga panuto sa paggamit ng mga controls, tamang lighting level sa mga display, tamang kulay, pagkakasunud-sunod at pagkakatabi-tabi, hugis, pagkaka-iba, at laki ng mga kontrol at font). Para sa mas malawak na setting, ang lokal at background lighting, glare, at reflective lighting ay dapat sapat lamang para mabawasan ang eye strain. Ang workstation ay dapat may pagkakasunud-sunod ayon sa mga pamamaraan, mga produkto, parte, at mga tao. Sapat na espasyo para sa maintenance, mga makinarya para sa material-handling, imbakan, at daanan ay siya ring dapat isaalang-alang sa disenyo nito.

Noise[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang noise o ingay ay nakakaapekto sa konsentrasyon at kabuuang pagganap ng isang operator sa kaniyang trabaho. Ang higit na kaingayan ay nagdudulot ng di pagkakaintindi ng operator ng mga kailangan niyang impormasyon. Ang kasidhian o intensity ng ingay ay nasusukat sa decibels (dB) gamit ang sound meter at ito ay nagkakaiba sa uri ng makinarya at kagamitan. Ang tuluy-tuloy na pagkakalantad sa mahigit 90 dB ay inaasahang magreresulta sa pagkabingi. Ang noise level at operator exposure time ang maaaring baguhin upang maging angkop para sa uri ng work environment. And dalawang salik na ito ay inversely related, i.e., kung mas mataas ang noise level, mas maliit na exposure time ang ipinapayo.

Ang noise levels ay maaaring maibaba sa pamamagitan ng muffling equipment, pagpaligid o pagtakip sa buong makinarya, paglalagay ng lining housing at chute o sa pamamagitan ng pagbabago ng mga bahagi nito. Ang pagbibigay ng personal protective equipment o PPE ay inirerekomenda sa mga kapaligiran na may labis na ingay. Ang pagkukumpuni o pagpapanatili ng kalidad ng mga bahagi ng makinarya ay makatutulong upang mabawasan ang mga di-kanais-nais na ingay sa workstation.

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]