Pumunta sa nilalaman

Pangangalakal ng tao

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Human trafficking)

Ang Pangangalakal ng Tao o Bentahan ng Tao (sa Ingles ay Human trafficking) ay ang ilegal na pagkalakal ng tao upang pagsamantalahan, sa paraang sekswal o sa sapilitang paggawa, pati na rin upang ikalakal ang laman-loob nito.[1] Ito ay isang uri ng modernong pang-aalipin na kung saan ang mga amo or ilang indibidwal ay nagdudulot ng pisikal o sikolohikal na pang-aabuso kung saan maaring maramdaman ng isang tao na hindi na niya maiiwan ang ganoong sitwasyon.[2] Pinagtibay ng United Nations ang Protocol to Prevent, Suppress and Punish Trafficking in Persons, especially Women and Children (Protokol upang Mapigilan, Masugpo at Maparusahan ang Pagkalakal ng Tao, lalo na ng Kababaihan at Kabataan) sa Palermo, Italya noong taong 2000, bilang kaakibat sa naunang pandaigdigang kasunduan ng United Nations Convention against Transnational Organized Crime (Kumbensiyong Laban sa Organisadong Krimeng Transnasyonal). Ang Trafficking Protcol na ito ay isa sa tatlong pinagtibay na karagdagang Protokol sa naturang kumbensiyon.[3]

Ang Protokol ay ang unang pandaigdigang kasunduang may bisa na sumasaklaw sa isyu ng pangangalakal ng tao sa loob ng mahigit sa limampung taon. Ito rin ang natatanging nagtakda ng napagkasunduang kahulugan ng pangangalakal ng tao. Ang layuning ng Protokol ay upang maisaayos ang pakikipagtulungan ng mga bansa sa pagsisiyasat at pag-uusig ng kalakalang ito. Dagdag pa rito, layunin din nitong protektahan at tulungan ang mga naging biktima ng pangangalakal ng tao na may buong paggalang sa kanilang karapatang-pantao.

Ang naturang Trafficking Protocol ay nagkabisa noong Disyembre 25, 2003. Noong Hunyo 2010, ito ay niratipika na ng 117 mga bansa at 137 mga partido.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Ejercito-Estrada, Loi. "Human trafficking". 6 Nov 2012. Pilipino Star Ngayon. Hinango noong 8 Abr 2013.
  2. Kagawaran Ng Estado Ng Estados Unidos Ng Amerika, Abril 2011. Web. 26 Disyembre 2011.
  3. "Convention on Transnational Organized Crime" (sa wikang Ingles). Unodc.org. Nakuha noong 2011-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "UNODC - Signatories to the CTOC Trafficking Protocol" (sa wikang Ingles). Treaties.un.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-11-21. Nakuha noong 2011-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2017-11-21 sa Wayback Machine.