Pumunta sa nilalaman

José de la Cruz

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Huseng Sisiw)
José de la Cruz
Kapanganakan12 Disyembre 1746
  • (Maynila, Kalakhang Maynila, Pilipinas)
Kamatayan12 Marso 1829
Trabahomanunulat

Si José de la Cruz o Huseng Sisiw ang binigyan ng karangalang Hari ng mga Makata sa katagalugan. Isinilang siya sa Tondo, Maynila noong 20 Disyembre 1746. Hindi siya nakapag-aral ngunit sa sariling pagsisikap ay natuto ng Katon at Cartilla, Doctrina Cristiana, Pilosopiya at Teolohiya.

Kinilala siya sa kahusayang sumulat ng mga tula kaya marami ang nagpaturo sa kanya ng pagtutugma ng mga salita. Ikinapit sa kanya ang taguring Huseng Sisiw dahil kung may nagpapagawa sa kanya ng patulang liham ng pag-ibig, ang hinihingi niyang kabayaran ay sisiw. Siya ang guro ni Balagtas sa pagtula.

Isa ang kanyang pangalan sa tatlong pangalang kakabit ng Korido sa kasaysayan ng Panitikan. Ang dalawa niyang mga kasama ay sina Francisco Balagtas at Ananias Zorilla.

Mula sa kanyang panulat ang mga koridong Clarito, Adela at Florante, Flora at Clavela, Doce Pares de Francia, Rodrigo de Villas, at ang popular na Historia Famoso de Bernardo Carpio.

Maaring bisitahin

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.