Pumunta sa nilalaman

Hylobatidae

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Gibbons[1][2]
Temporal na saklaw: 8–0 Ma
Late Miocene–Recent
Lar gibbons (Hylobates lar)
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Chordata
Hati: Mammalia
Orden: Primates
Suborden: Haplorhini
Infraorden: Simiiformes
Superpamilya: Hominoidea
Pamilya: Hylobatidae
Gray, 1870
Genera

Hylobates
Hoolock
Nomascus
Symphalangus

Distribution in Southeast Asia

Ang Hylobatidae /?ha?l?'be?t?di?/ ay isang pamilya ng mga bakulaw. Sa Ingles, tinatawag ang mga kasapi nito na gibbons. Sa kasaysayan, ang pamilyang ito ay naglaman ng isang henus ngunit nahahati na ngayon sa apat na henera. Ang mga gibbon ay nakatira sa mga tropikal at subtropikal na ulang kagubatan mula sa hilagang-silangang India hanggang Indonesia at mula hilaga hanggang katimugang Tsina gayundin sa mga kapuluan ng Sumatra, Borneo, at Java. Ang mga gibbon ay tinatawag ring mga mas maliit na bakulaw dahil sa pagiging mas maliit nito mula sa mga dakilang bakulaw(mga chimpanzee, mga orangutan, mga gorilla, mga bonobo at mga tao). Ito ay nagpapakita ng mababang dimorpismong seksuwal at hindi gumagawa ng mga pugad. Ang mga gibbon ay nagpapakita rin ng pagbibigkis ng magkapares hindi tulad ng karamihan ng mga dakilang bakulaw. Ang mga ito ay mga bihasa rin sa kanilang pangunahing paraan ng lokomosyon na brachiation, na nagduduyan sa mga sanga sa mga distansiyang hanggang 15 m (50 tal) at sa bilis hanggang sa 55 km/h (34 mph). Sila ay nakakatalon rin hanggang sa 8 m (26 tal) at naglalakad gamit ang kanilang dalawang hita(bipedal) na may mga braso ay nakataas para sa balanse. Sila ang pinakamabilis at pinakamaliksi sa lahat ng mga nakatira sa punong hindi lumilipad na mga mammal. Ang mga species ng gibbon ay kinabibilangan ng siamang, lar gibbon, at hoolock gibbon.

This list is generated from data in Wikidata and is periodically updated by Listeriabot.
Edits made within the list area will be removed on the next update!

Larawan Genus MSW
Hoolock
Hylobates Mammal Species of the World
Nomascus Mammal Species of the World
End of auto-generated list.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Groves, C.P. (2005). Wilson, D.E.; Reeder, D.M. (mga pat.). Mammal Species of the World: A Taxonomic and Geographic Reference (ika-3rd (na) edisyon). Baltimore: Johns Hopkins University Press. pp. 178–181. ISBN 0-801-88221-4. OCLC 62265494. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Mootnick, A.; Groves, C. P. (2005). "A new generic name for the hoolock gibbon (Hylobatidae)". International Journal of Primatology. 26 (26): 971–976. doi:10.1007/s10764-005-5332-4.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)