Ikalimang Krusada
Fifth Crusade | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Bahagi ng the Crusades | |||||||
Frisian crusaders confront the Tower of Damietta, Egypt. | |||||||
| |||||||
Mga nakipagdigma | |||||||
Mga kumander at pinuno | |||||||
John of Brienne Bohemond IV Hugh I Kaykaus I Frederick II Leopold VI Pedro de Montaigu Hermann von Salza Guérin de Montaigu Andrew II William I Phillip II Henry I of Rodez † Pelagio Galvani | Al-Kamil | ||||||
Lakas | |||||||
32,000 men | Unknown | ||||||
Mga nasawi at pinsala | |||||||
Unknown | Unknown |
Ang Ikalaming Krusada (1213–1221)[1] ang pagtatangka na muling makuha ang Herusalem at Banal na Lupain sa pamamagitan ng pananakop mula ng estadong Ayyubid ng Ehipto]]. Pinangasiwaan nina Papa Inosente III at ang kanyang kahaliling si Papa Honorius III ang mga hukbong nagkrusada na pinumunuan nina Haring Andrew II ng Hungary at Duke Leopold VI ng Austria. Ang pagsalakay ng mga ito sa Herusalem ay huling nag-iwan ng siyudad sa kamay ng mga Muslim. Kalaunan noong 1218, ang isang hukbong Aleman na pinamunuan ni Oliver ng Cologne at isang halong hukbong ng mga sundalong Dutch, Flemish at Frisian na pinamunuan ni William I, Konde ng Holland ay sumali sa krusada. Upang atakihin ang Damietta sa Ehipto, sila ay nakipag-alyansa sa Anatolia sa Turkong Seljuk na Sultanato ng Rûm na umatake sa mga Ayyubid sa Syria sa pagtatangka na palayain ang mga nagkrusada mula sa paglalaban sa dalawang mga pronta. Pagkatapos sakupin ang puerto ng Damietta, ang mga nagkrusada ay nagmartsa patimog tungo sa Cairo noong Hulyo 1221 ngunit bumalik pagkatapos ang kanilang paunti ng paunting suplay ay humantong sa pwersahang pag-urong. Ang isang panggabing pag-atake ni Sultan Al-Kamil ay nagresulta sa isang malaking bilang ng mga kamatayan ng nagkrusada at kalaunan ay sumuko ang hukbo. Si Al-Kamil ay umayon sa isang walong-taong kasunduan ng kapayapaan sa Europa.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Christopher Tyerman (2006), God's war: a new history of the Crusades, Harvard University Press, ISBN 0-674-02387-0