Ikaw Lamang
Ikaw Lamang | |
---|---|
Uri | Romance, period drama, Epiko |
Gumawa | Rondel P. Lindayag Reggie Amigo |
Nagsaayos | Roldeo T. Endrinal Julie Anne R. Benitez |
Isinulat ni/nina | Danica Mae S. Domingo David Franche Diuco Hazel Karyl Madanguit Jose A. Dizon Jr. |
Direktor | Malu L. Sevilla Avel E. Sunpongco Manny Q. Palo |
Creative director | Johnny delos Santos |
Pinangungunahan ni/nina | Kim Chiu Coco Martin Julia Montes Jake Cuenca KC Concepcion |
Bansang pinagmulan | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Bilang ng season | 2 |
Bilang ng kabanata | 165 (sa 24 Oktubre 2014) |
Paggawa | |
Prodyuser tagapagpaganap | Eileen Angela T. Garcia Hazel Bolisay Parfan Maya Aralar |
Prodyuser | Dagang Vilbar Ethel M. Espiritu |
Lokasyon | Manila Cebu Talisay, Negros Occidental |
Patnugot | Froilan Francia |
Oras ng pagpapalabas | 30-45 minuto Lunes - Biyernes tuwing 20:30 (PST) |
Kompanya | Dreamscape Entertainment TV |
Pagsasahimpapawid | |
Orihinal na himpilan | ABS-CBN |
Picture format | 480i SDTV |
Orihinal na pagsasapahimpapawid | 10 Marso 24 Oktubre 2014 | –
Website | |
Opisyal |
Ang 'Ikaw Lamang ay isang Period Drama sa Pilipinas. Ipinalabas ito sa ika-10 Marso ng 2014 sa ABS-CBN, kung saan pinalitan ang teleserye na Got to Believe. Ito ay pinagbibidahan nina Kim Chiu, Coco Martin, Julia Montes, Jake Cuenca at KC Concepcion.
Sinundan ng kwento ng unang yugto ang mga buhay nina Samuel (Coco Martin), Isabelle (Kim Chiu), Mona (Julia Montes) at Franco (Jake Cuenca) sa mga dekadang '60, '70 at '80. Umere ito sa loob ng 107 na episode mula 10 Marso 2014 hanggang 8 Agosto 2014.
Umiikot ang kwento ng ikalawang yugto sa mga buhay nina Gabriel (Coco Martin), Andrea/Jacq (Kim Chiu), at Natalia (KC Concepcion). Nagsimula ang ikalawang yugto noong 11 Agosto 2014 at nakatakda itong magwakas sa 24 Oktubre 2014 na may tagline na "The Full Circle".
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Dekada '6
Sa panahon ng pag-usbong ng industriya ng tubo sa maliit na bayan ng Salvacion, dalawang bata mula sa magkaibang bahagi ng lipunan ang magiging magkakilala: ang batang si Samuel Hidalgo (Zaijian Jaranilla) at Isabelle Miravelez (Alyanna Angeles). Anak si Samuel ng isang obrerong si Elena Severino (Cherry Pie Picache), habang si Isabelle naman ay anak ng mayamang mag-asawang sina Gonzalo (John Estrada) at Rebecca Miravelez (Angel Aquino). Dahil kay Isabelle, makikilala ni Samuel si Franco Hidalgo (Louise Abuel), anak ng mga mayayamang asienderong sina Miranda (Cherrie Gil) at Eduardo Hidalgo (Tirso Cruz III). Tunuruan ni Samuel si Franco kung paano mag-tanim, at tinuruan naman ni Franco si Samuel kung paano mag-basa at mag-sulat.
Isang gabi, isang ligaw na apoy ang umabot sa tubuhan. Iniligtas ni Samuel si Isabelle. Gayunpaman, gamiy ang impluwensiya ng kanyang lolo Maximo Salazar (Ronaldo Valdez), sinabi ni Franco sa lahat na siya ang nagligtas kay Isabelle. Si Gonzalo at si Pacquito (Ronnie Lazaro) ay nagawang ituro ang isang magsasaka bilang salarin.