Pumunta sa nilalaman

Ilog Tamesis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Ilog Thames)
Dumadaan ang Ilog Tamesis sa ilang mga kilalang lugar sa Londres, tulad ng London Eye at ang Palasyo ng Westminster.

Ang Ilog Tamesis (binibigkas tulad sa Espanyol na Támesis),[1] o ang Ilog Thames (bigkas: /ˈtɛmz/), ay isang pangunahing ilog na dumadaloy sa katimugang bahagi ng Inglatera. Ito ay ang pangalawang pinakamahabang ilog sa Nagkakaisang Kaharian, at ang pinakamahabang ilog sa loob mismo ng Inglatera. Kilala ito bilang ilog na naghahati sa Londres, ngunit ilan ding mga ibang bayan at lungsod ang dinadaanan ng ilog, tulad ng Oxford. May habang 346 kilometro (215 milya) ang ilog mula sa pinagmulan nito sa may Thames Head sa Gloucestershire hanggang sa dulo nito sa Wawa ng Tamesis sa Dagat Hilaga.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Campe, Joaquim Henrich; Tuason, Joaquin (tagasalin) (1879). Ang Bagong Robinson. Maynila: Palimbagan ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nakuha noong 2010-12-03.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Inglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.