Impasto
Ang impasto ay isang pamamaraan na ginagamit sa pagpipinta, kung saan ang pintura ay linalagay sa bahagi ng ibabaw (o sa buong kanbas) ng napakakapal, sapat ang kapal upang makita ang mga tama ng brush o ng kutsilyong pangpinta. Ang pintura ay maaari rin hawiin mismo sa kanbas. Kapag natuyo, ang impasto ay nagbibigay tekstura, ang pintura at nagmumukhang lumalabas sa kanbas.
Ang salitang impasto ay Italyano sa orihinal, ang ibig sabihin sa ganong wika ay: "masa" o "halo"; Ang pandiwang impastare ay naisasalin ng iba-iba tulad ng "masahin", o "idikit". Ang italyanong gamit ng "impasto" ay kasama ang parehong pamamaraan ng pagpinta at paghulma. Ayon sa Webster's New World College Dictionary, ang ugat na pangalan ng impasto ay pasta, na ang pangunahing kahulugan sa Italyano ay paste o pandikit.
Ang pinturang langis ay ang pinakaakma sa impasto na pamamaraan ng pagpinta, dahil sa kapal at bagal ng pagtuyo nito. Ang acrylic na pintura at maaari din ma-impasto. Ang impasto ay imposible sa watercolor o tempera kung walang dagdag na ahenteng pampakapal dahil sa likas na kanipisan ng mga gamit na ito. Ang pintor na gumagamit ng mga pastel ay kayang makabuo ng limitadong epektong impasto sa pamamagitan ng pagdiin ng maigi ng malambot na pastel sa papel.