Pumunta sa nilalaman

Industriyalisasyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang industriyalisasyon ay ang panahon ng panlipunan at pang-ekonomiyang pagbabago na humuhulma sa isang samahan ng mga tao mula sa magsasakang lipunan patungo sa isang lipunang industriyal, kabilang ang malawakang reorganisasyon ng isang ekonomiya para sa pagmamanupaktura.

Habang tumataas ang mga kita ng mga manggawang industriyal, ang merkado at iba't ibang klaseng mga serbisyo ay maaring lumawig at magbigay ng karagdagang stimulus sa pang-industriyang pamumuhunan at pag-unlad ng ekonomiya.

Ang unang pagbabago ng isang industriyal na ekonomiya mula sa pagsasaka, kilala bilang Rebolusyong Industriyal, ay naganap noong kalagitnaan ng ikalabingwalo at mga unang taon ng ikalabingsiyam na siglo sa ilang lugar sa Europa at Hilagang Amerika; mula Britanya na sinundan ng Belhika, Alemanya at Pransya. Hindi nagtagal, ang mga komentarista ay tinawag ito bilang ang unang Rebolusyong Industriyal.