Inhinyeriyang optikal
Ang inhinyeriyang optikal ay ang larangan ng pag-aaral na tumutuon sa mga paggamit o paglalapat ng optika. Ang mga inhinyerong optikal ay nagdidisenyo ng mga langkap sa mga instrumentong optikal na katulad ng mga lente, mga mikroskopyo, mga teleskopyo, at iba pang mga kasangkapatan na gumagamit ng mga katangiang pag-aari ng liwanag. Ang iba pang mga aparato ay kinabibilangan ng mga sensor na optikal at mga sistemang panukat, mga laser, mga sistemang ng komunikasyon sa pamamagitan ng hiblang optiko, mga sistema ng diskong optikal (halimbawa na ang mga CD at DVD), at iba pa.
Dahil nais ng mga inhinyerong optikal na makapagdisenyo at makabuo ng mga aparatong nakakagawa na maging nagagamit ang liwanag, dapat nilang maunawaan at mailapat ang agham ng optika o optiks sa detalyadong mga pamamaraan, upang malaman kung ano ang pisikal na maaaring makamit (pisika at kimika). Subalit, dapat rin nilang malaman kung ano ang praktikal hinggil sa makukuhang teknolohiya, materyales, gastusin, mga paraan ng pagdidisenyo, atbp. Katulad ng iba pang mga larangan ng inhinyeriya, mahalaga ang mga kompyuter sa maraming (marahil sa karamihan ng) mga inhinyerong optikal. Ginagamit ang mga ito sa piling ng mga instrumento, para sa simulasyon, sa pagdidisenyo, at para sa maraming iba pang mga paglalapat. Ang mga inhinyero ay kadalasang gumagamit na panlahatang mga kasangkapang pangkompyuter na katulad ng mga spreadsheet at mga wikang pampagpoprograma, madalas silang gumamit ng espesyalisadong mga sopwer na pang-optika na natatanging idinisenyo para sa kani-kanilang mga larangan.
Ang metrolohiya ng inhinyeriyang optikal ay gumagamit ng mga pamamaraang optikal upang sukatin ang mga mikrobibrasyon sa pamamagitan ng mga instrumentong katulad ng laser speckle interferometer o upang sukatin ang mga katangiang pag-aari ng sari-saring mga masa sa pamamagitan ng mga instrumentong sumusukat ng repraksiyon.
Tingnan din
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang lathalaing ito na tungkol sa Inhenyeriya at Teknolohiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.