Metrolohiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Isang siyentipikong nakatayo sa harap ng isang mikro-arkosegundong(1 ika-milyon ng 1 arkosegundo o 1 ika-milyong ng 1/3600 degree) testbed.

Ang metrolohiya ang agham ng pagsukat. Ito ay kinabiblangan ng lahat ng mga teoretikal at praktikal na aspeto ng pagsukat. Ang salita ay mula sa Griyegong μέτρον (metron), "sukat" + "λόγος" (logos) na nangangahulugang "salita, orasyon, diskurso, sipi, pag-aaral, pagkukwenta, katwiran"). Sa sinunang Griyego, ang katagang μετρολογία (metrologia) ay nangangahulugang "teoriya ng mga rasyo".