Itim (pelikula)
Itim | |
---|---|
Direktor | Mike De Leon |
Prinodyus | Severino Manotok |
Sumulat | Clodualdo Del Mundo, Jr. Gil Quito Ricky Lee |
Itinatampok sina | Charo Santos Tommy Abuel |
Musika | Max Jocson |
Sinematograpiya | Rody Lacap Ely Cruz |
In-edit ni | Ike Jarlego, Jr. |
Tagapamahagi | Cinema Artists, Pilipinas |
Inilabas noong | 1976 |
Bansa | Pilipinas |
Wika | Filipino |
Ang Itim ay isang nakaaantalang pelikula sa direksiyon ni Mike De Leon noong 1976. Sa katotohanan, ang pelikula ay unang pagsubok ng larangan ng direksiyon ng buong pelikula ni De Leon.
Ito ay nanalo ng kauna-unahang gawad sa pinakamahusay na sinematograpiya sa Gawad Urian.[1]
Mga tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:
Mga nagsiganap | Ginampanan bilang |
---|---|
Charo Santos | Teresa |
Tommy Abuel | Jun Torres |
Mario Montenegro | Dr. Torres |
Mona Lisa | ina ni Teresa |
Susan Valdez | Rosa |
Moody Diaz | Aling Bebeng |
Sarah K. Joaquin | espiritista |
Buod ng pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang binatang potograpo, Jun Torres (Abuel), ay nakatagpo ng isang kakatwang babae, Teresa (Santos), sa kanyang tinubuang bayan sa kapanahunan ng Mahal na Araw. Naging magkaibigan sila. Kapwa ay napukaw-suri sa mga pabalik-balik na maliw ni Teresa sa kakaibang kilos, kung saan nawalan ng kontrol si Teresa. Kapiling ang ina (Lisa) ni Teresa, sila ay humingi ng tulong sa isang espiritista. Isiniwalat ito na si Teresa ay sinaniban ng kaluluwa ng kanyang kapatid na si Rosa (Valdez), na namatay sa ilalim ng mga misteryosong pangyayari. Unti-unti, nalutasan ang suliranin nang ang kaluluwa, sa pamamagitan ni Teresa, ay nagpahayag ang kanyang malungkot na kuwento: Ang ama ni Jun, Dr. Torres (Montenegro), na nagkaroon ng patagong relasyon kay Rosa, ay pinilit siya na ilaglag ang kanilang bata. Nang isinalysy ng kaluluwa ang kanyang salaysay, hiningan ni Rosa ang kanyang paghihiganti: nahulog ang ama sa hagdanan at namatay.[1]
Ang pelikulang ito ay nakuha sa lokasyon ng San Miguel, Bulakan, na mapagmahal na napasok sa pelikula. Si De Leon ay binigyan ng liwanag sa pelikulang ito, at matagumpay niyang ipinalabas na gaanong nag-uugnay ang pangkatutubong pamahiin, relihiyon, pagka-ispirituwal at ang kaalamang lihim sa kulturang Pilipino.
Pagsususuri ng pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang pelikulang mismo ay iba sa ibang mga pelikula ng panahong iyon sa paraang walang galit, radikal na panlipunang mensahe. Ang kuwento ay nakatutok sa mga tikhang paranormal, tulad ng mga bibit at sanib pangkaluluwa.
Ipinapakita ng pelikulang ito ang kahusayang teknikal sa makabagong sinematograpiya nito at nakakikilabot na paglalapat ng musika.
Mga gawad
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Sinematograpiya Ely Cruz Rody Lacap Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Mel Chionglo Pinakamahusay na Tunog Luis Reyes Ramon Reyes Sebastian Sayson | ||
Pinakamahusay na Direktor Mike De Leon Pinakamahusay na Pelikula |
Taon | Resulta | Kategorya/(Mga) nakatanggap |
---|---|---|
Pinakamahusay na Sinematograpiya Ely Cruz Rody Lacap Pinakamahusay na Editing Ike Jarlego, Jr. Pinakamahusay na Musika Max Jocson Pinakamahusay na Tunog Luis Reyes Ramon Reyes Sebastian Sayson | ||
Pinakamahusay na Pangunahing Aktres Charo Santos Mona Lisa Pinakamahusay na Direksiyon Mike De Leon Pinakamahusay na Disenyong Pamproduksiyon Mel Chionglo Pinakamahusay na Dulang Pampelikula Clodualdo Del Mundo Jr. Gil Quito Pinakamahusay na Pangalawang Aktor Mario Montenegro Pinakamahusay na Pangalawang Aktres Moody Diaz Pinakamahusay na Pelikula |